Andrea Brillantes, napanganga sa mga bonggang regalo na ibinigay sa kanya ni Dra. Vicki Belo

Marami ngayong naggagandahang celebrities sa industriya ng showbusiness at upang pangalagaan ang kanilang skin at ma-preserve ang kanilang beauty, talagang takbuhan ng karamihan sa kanila ang clinic ni Dra. Vicki Belo!

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Hindi man isang artista, nagawa naman ni Dra. Vicki Belo na makabuo ng reputasyon at makilala bilang ang dermatologist na nasa likod ng magagandang celebrities ngayon sa showbiz katulad na lamang ni Andrea Brillantes.

Kamakailan ay nagbahagi si Dra. Vicki ng vlog sa kanyang YouTube channel kung saan ay excited silang nag-unbox ni Andrea ng mga regalong natanggap niya noong pasko.

Bilang isang bigating personalidad sa showbiz, talagang hindi basta-basta ang mga regalong natanggap ni Dra. Vicki dahil karamihan sa mga ito ay nanggaling lang naman sa mga mamahalin at sikat na brands kaya naman talagang maingat si Andrea sa pag-unbox sa bawat isa.

Habang patuloy ang batang aktres sa pag-aadmire sa mga regalong natanggap ni Dra. Vicki Belo, ibinahagi ni Andrea na Chanel at Dior ang pinaka-favorite niyang brands.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

“Dalawa lang po ‘yung pinaka-bet ko. Chanel at Dior,” ayon kay Andrea.

Bilang isang breadwinner sa kanilang pamilya, ikinuwento ni Andrea na hindi siya basta-bastang nakakabili ng mamahaling bags at gamit sa luxury brands.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Nakasanayan na unahin sa lahat ng pagkakataon ang pamilya at mas gusto na makapagbigay imbes na bilhan ng gamit ang sarili, talagang bibihira lamang para kay Andrea na makatanggap ng regalo kaya naman nang nakatanggap ng gift na Hermes lipstick mula kay Dra. Vicki, labis na ang kasiyahang naramdaman ng batang aktres.

Ngunit hindi lamang dito natatapos ang surpresa ni Dra. Vicki dahil muli na naman niyang binigyan ng mamahaling regalo si Andrea. Sa kanyang pag-aakala na kay Dra. Vicki na naman ang pinakahuling regalo na i-unbox nila, halos hindi makapaniwala ang batang aktres nang nalaman na para sa kanya pala ang Dior bag na nagkakahalaga ng higit kumulang P100,000!

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

“So, binili namin ‘to for you,” sabi ni Dra. Vicki dahilan kung bakit kilig na kilig si Andrea.

Upang malaman ang color na gugustuhin ng aktres, talagang chineck ni Dra. Vicki ang kanyang Instagram account kaya naman isang neutral na kulay gray ang napili nilang bag para kay Andrea.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Laglag ang panga habang pinagmamasdan ang bigay na mamahaling bag ni Dra. Vicki, halos hindi matapos-tapos si Andrea sa pagpapasalamat.