Andrea Brillantes, diretsahang sinagot ang haka-hakang nagparetoke siya ng mukha

Bilang isang fan na umiidolo ng isang celebrity, talagang pinipili natin ang artista na may mabuting pagkatao.

Credit: @blythe Instagram

Sa pagpasok ni Andrea Brillantes sa industriya ng showbiz, hindi nagtagal nang nadiskubre ang kanyang talento sa pag-arte. Maliban sa kanyang angking kagandahan, talagang patuloy na pinapahanga ng batang aktres ang fans dahil sa mahusay niyang pagganap sa mga karakter na ipo-portray.

Sa pagganap ni Andrea sa iba’t-ibang karakter, madalas ang pagiging isang “[email protected],” maraming netizens ang nagkakarooon ng maling akala tungkol sa kanyang pagkatao sa totoong buhay.

Credit: @blythe Instagram

Marahil sa kanyang pagganap bilang si “Marga Bartolome” sa sikat na teleseryeng “Kadenang Ginto” na talaga namang bagay na bagay kay Andrea Brillantes, maraming netizens ang nagkakaroon ng maling haka-haka tungkol sa totoong pagkatao ng aktres.

Bilang paglilinaw sa “assumptions” ng iilang netizens tungkol sa kanya, nagbahagi ng isang vlog si Andrea sa YouTube noong Sabado, September 25.

Ilan lamang sa mga assumptions ng netizens kay Andrea ay ang pagiging bu|ly, maarte, suplada, nanggaling sa mayamang pamilya, at pagiging retokada.

Credit: @blythe Instagram

“Ako…actually, ang sobrang loser sa school. Promise. Baka kasi akala niyo, sobrang totoo ‘nung pagka-Marga ko. Akala niyo ganun. Hindi,” sagot ni Andrea nang may isang netizen na nagtanong na “mean girl” ba raw siya sa paaralan.

Ayon pa sa 18 taong gulang na aktres, madalas umano siyang napagsasabihan na suplada dahil sa kanyang kilay.

Hindi naman na bago para sa isang aktres ang minsan na masabihan ng netizens na “retokada” pero sa sagot ni Andrea, pinatunayan niya talaga na wala siyang ginawang pagbabago sa mukha at purong natural lamang ang kanyang kagandahan.

Credit: @blythe Instagram

“Hindi po ako retokada pero thanks for thinking that. Ibig sabihin may maganda sa mukha ko para maisip niyo na retokada ako,” ayon kay Andrea.

Inamin din ng batang aktres na hindi siya “laking yaman”. Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na lumaki sila ng kanyang kapatid sa puder ng kanilang Lolo at Lola na ayon kay Andrea ay nasa “slums area”.

“I identify myself as kikay pero hindi maarte,” pag-amin ni Andrea.

Inamin din ni Andrea na wala siyang masyadong kaibigan sa mundo ng showbiz.

Credit: @blythe Instagram

“Hindi na kasi importante sa akin ‘yung marami akong kaibigan kasi nga believe it or not, alam ko alam niyo naman na maraming plastic sa showbiz,” ayon kay Andrea.

Dagdag pa niya, “Meron akong friend. Si Seth duh! So I’m not lonely.”

Napakabuti ng pagkatao ni Andrea at madalas lamang siyang nami-misinterpret ng netizens. Pinatunayan naman ito ng aktres sa likod ng kamera kung saan ay malayang-malaya siyang nagpapakatotoo sa sarili.