Andrea Brillantes, proud na natapos na ang ipinatayong bahay para sa kanyang pamilya na sampung taon din ang inabot para maitayo!

Kahanga-hanga ang natamo ng batang aktres na si Andrea Brillantes. Sa edad na 17, ay natupad na ni Andrea ang isa sa kanyang mga pangarap — ang maipatayo ang kanyang pangarap na bahay para sa kanyang pamilya.

Credit: Andrea Brillantes Instagram  

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Andrea ang litrato ng bahay na naipatayo niya para sa kanyang pamilya.

Ayon kay Andrea, sampung taon umano ang ginugol niya para maipagawa ang bahay.

Sa caption ng kanyang Instagram post, sinabi rin ng “Kadenang Ginto” actress na ang kanyang bahay na naipatayo ay ang pangarap umano niya na pinakamatagal at pinakamahirap na natupad.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Ibinahagi rin ni Andrea na ang pangarap niyang makapagpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya ang nag-udyok sa kanya na magsikap sa pagtatrabaho.

Kaya naman hindi mapigilan ni Andrea ang kanyang kaligayahan dahil sa wakas ay natupad na niya ang kanyang pangarap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Ani Andrea, “You were my longest ( 10 years ) and most difficult dream to come true. You have always been at the back of my mind since i was young pushing me to work harder. I’m so happy you made it this year with everything that happened, im soooo happy. 🥺🥰”

Pinasalamatan din ni Andrea ang kanyang mga tagasuporta na sumuporta sa kanya mula nang magsimula siya sa showbiz.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Ayon kay Andrea, utang niya sa kanyang mga tagahanga kung nasaan na siya ngayon.

“To my BRILLANTS! thank you for always having my back and supporting me since day 1! I swear i wouldn’t have come this far without you all 🥰🥺❤️,” ani Andrea.

Samantala, sa isang artikulo na inilathala ng ABS-CBN News ay ikwenento ni Andrea kung bakit pangarap niyang makapagpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Ani Andrea, “Sa squatters lang po [kami nakatira]. Simple lang talaga. Magulo, nakikitira lang kami sa grandparents ko noon. Wala po kaming sariling bahay.”

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Dagdag niya, “Gusto kong malagay ‘yung family ko sa subdivision. May hagdan, may aircon. And gusto ko kasi magkakasama kami.”

Sa kanyang Instagram story update ay nangako naman si Andrea na ipapasilip niya ang kanyang bagong bahay ‘soon’ sa isang house tour vlog.