Minsan ay nakakagulat talaga kung paano nagiging totoo sa huli ang speculations ng fans tungkol sa kanilang iniidolong celebrity. Marahil ay instinct o dahil sa mga bagay at ebidensya na kalaunan ay napagtutugma-tugma.
Credit: @blythe Instagram
Simula pa man nang pinasok ang industriya ng showbiz, kilala na si Andrea Brillantes bilang isa sa mga batang aktres na may malaking potential at talento sa larangan ng pag-arte. Ilang taon naman ang lumipas at ngayon ay isa ng ganap na dalaga, talagang mapapansin ang kanyang growth at improvements dahil isa lang naman siya ngayon sa mga successful na aktres sa kanyang henerasyon.
Dahil isa ngayon sa mga aktres na labis na kinabibiliban ng karamihan, patuloy din na nag-aabang ang netizens sa bawat event sa personal o professional na aspeto ng buhay ni Andrea o mas kilala sa kanyang palayaw na “Blythe”.
Credit: @blythe Instagram
Nito lamang nakaraang mga buwan, matatandaan na may kumalat na rumors at speculations na may namamagitan umano sa aktres at kay Ricci Rivero, isang sikat na basketball player at ang loveteam partner ni Sharlene San Pedro sa kanilang series na “Happy Times” matapos makita at kumalat sa social media ang larawan ni Andrea na nakasuot ng jersey na may numerong 25 na siya ring numero sa jersey ni Ricci. Marami ang nagsasabi na pagmamay-ari umano ito ni Ricci dahilan kung bakit nag-conclude ang karamihan na may namamagitan nga sa dalawa.
Credit: @ricciiirivero Instagram
Maliban dito, may nakakita rin umano kay Andrea at Ricci na magkasama sa isang restaurant sa Taguig kaya talagang malakas ang loob ng iilang netizens na may something nga sa kanila.
Tunay nga sa kanilang speculations, nag-viral sa social media nito lamang ang video na ibinahagi ng isang netizen kung saan ay mapapanood kung paano tinanong ni Ricci si Andrea na maging girlfriend nito na kaagad namang sinagot ng aktres matapos nitong piliin ang itim na t-shirt na may nakasulat na “Yes”.
Credit: @blythe Instagram
Kaagad naman na nagpahayag ng kasiyahan si Andrea sa Facebook kalakip ng larawan niya kung saan ay makikita siyang nakasuot ng damit na may nakasulat na “Yes” habang may hawak na bouquet ng sunflower.
“First time kong manood ng UAAP di ko inaasahang mag kaka-boyfriend pa ako. Grabe naman yun Lord,” sulat ng aktres sa kanyang caption.
Samantala, abot-langit naman ang pasasalamat ni Ricci sa dalawang panalo niya – ang pagkapanalo nila sa UAAP laban ang FEU at ang pagiging opisyal na couple nila ni Andrea.