Andrea del Rosario buhay haciendera sa farm ng kanyang nobyong si Anthony Garcia; nagbigay ng tour sa 6-hectare farm ng nobyo

Ipinasilip kamakailan ng aktres na si Andrea Del Rosario ang bongga sa lawak na farm ng kanyang boyfriend na si Anthony Garcia.

Credit: Andrea Del Rosario YouTube

Lingid sa kaalaman ng lahat, ang boyfriend ni Andrea ay isang professional polo player at may pagmamay-ari itong 6-hectare farm sa probinsya ng Calatagan, Batangas.

Inilibot nga ni Andrea ang mga manonood ng programang “Sarap ‘Di Ba?” sa napakalawak at napakagandang farm ni Anthony.

Credit: Andrea Del Rosario YouTube

Kwento ni Andrea, 6-hectare ang lawak ng farm ni Anthony. Kaya namang mag-accommodate ng maraming bisita ang kanilang farm dahil mayroon umanong 7 bedrooms ang main house nito.

Credit: Andrea Del Rosario YouTube

Ayon din kay Andrea, nakiki-hacienda na rin siya sa farm ni Anthony. Dito kasi umano niya ini-invest ang kanyang kinikita sa pamamagitan ng pagbili niya ng ilang alagang hayop tulad ng mga baka, kambing at manok.

“Nakiki-hacienda na rin ako. I own a few animals,” bahagi ni Andrea.

Ipinakita pa ni Andrea ang mga nabili niyang Boer goat coats na mula pa sa Amerika.

Credit: Andrea Del Rosario YouTube

“Kung yung ibang artista bumibili sila ng bag or shoes, ako po yan (baka) po ang aking binibili. So, every time may kinikita po ako, napupunta sa livestock or animals,” pabiro pang sabi ng aktres.

Ibinahagi naman ni Andrea na mayroon silang humigit-kumulang 300 na alagang manok sa kanilang farm.

Ipinasilip din ni Andrea ang ruweda ng farm kung saan madalas nag-oonline class ang kanyang anak. Sa ruweda lamang umano kasi nakakasagap ng signal ang kanyang anak na si Bea.

Credit: Andrea Del Rosario YouTube

Samantala, lingid sa kaalaman ng marami, hands-on din si Andrea sa pangangalaga ng farm. Sa katunayan, gumagawa rin siya ng ilang gawain sa farm tulad ng pagpapastol ng mga baka.

Sa ngayon nga ay ini-enjoy ni Andrea ang farm life sa napakalawak na lupain ng kanyang nobyo kasama ang kanyang anak.

Bukod sa farm ni Anthony, ipinakita rin ni Andrea ang pagmamay-ari niyang beach house sa Batangas. Si Andrea ay sumikat bilang miyembro ng dating girl group na VIva Hot Babes. Taong 2006 nang una siyang sumabak sa pag-arte sa teleserye na “Gulong Ng Palad.”

Credit: Andrea Del Rosario YouTube

Noong 2016 ay pinasok naman ni Andrea ang mundo ng politika nang tumakbo at nanalo siya bilang Vice Mayor ng Calatagan, Batangas.