Isa ang rapper-comedian na si Andrew E sa mga masuwerteng artista na biniyayaan muli ng isa pang pagkakataon para maibalik ang kinang ng kanyang showbiz career.
Credit: @andrew_dongalo Instagram
Lingid sa kaalaman ng marami, ilang taon ding nag-lie low ang karera ni Andrew dahil sa ilang personal na problema.
Kaya naman ngayon na unti-unting nanunumbalik ang kanyang kasikatan labis na lamang ang pasasalamat ni Andrew, lalong-lalo na sa kanyang agency na Viva Artists Agency dahil sa sunod-sunod na proyektong ibinigay sa kanya.
Kamakailan lamang nang ipalabas ang bagong pelikulang pinagbibidahan ni Andrew kasama sina Janno Gibbs at Dennis Padilla na ““Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige!”
Credit: @andrew_dongalo Instagram
Samantala, wala ring pagsidlan ang kasiyahan at pasasalamat ni Andrew dahil hindi lamang ang kanyang kasikatan ang nanumbalik kundi maging ang kanyang magandang kalusugan.
Naikwento ni Andrew sa naganap na mediacon ng kanilang pelikula na nagpapasalamat siya dahil bumuti muli ang kanyang kalusugan matapos siyang ma-0spital isa’t kalahating taon na ang nakalipas.
Sabi pa ni Andrew, “I’m so happy. First of all, naibalik ako sa aking good health wherein one and a half years ago, I got h0spitalized and nagkaroon ako ng operation sa aking lower shoulder. And du’n pa lang nagpapasalamat na ako na nailigtas ako du’n and at the same time naibalik pa ang aking kalusugan and more so.”
Credit: @andrew_dongalo Instagram
Dagdag niya, “Often I’m thinking na nagpapasalamat din ako sa Panginoon na nabiyayaan din ako ng biyayang hindi natatanggap ng karamihan. So para sa akin doon pa lang nagpapasalamat na ako for 2021.”
Sa huli, sinabi ni Andrew na napakaganda ng taong 2021 sa kanya dahil sa maraming biyayang kanyang natanggap mula sa Panginoon.
“2021 is so great for me and I’m looking forward to a very bright and a very energetic 2022,” pahayag niya.
Credit: @andrew_dongalo Instagram
Si Andrew E o Andrew Ford Valentino Espiritu sa totoong buhay ay sumikat noong dekada 90 at kilala bilang isang rapper. Ang kanyang single na “Humanap Ka Ng Panget” ay naging hit noong 1990s.
Bukod naman sa pagiging rapper, nakilala rin si Andrew dahil sa kanyang husay sa pag-arte bilang aktor at komedyante.