“Ang bagets Ms. Aiko!”: Larawan ni Aiko Melendez na nagpapakita ng kanyang fresh at young looking face ngayon, nagpa-w0w sa maraming netizens!

Tila ‘Age is just a number’ para sa aktres na si Aiko Melendez dahil sa edad na 45-taong gulang ay tila hindi tumatanda ang kanyang mukha at katawan, bagay na hinangaan ng maraming netizens.

Credit: @aikomelendez Instagram

Matatandaang unang napanood sa telebisyon si Aiko noong dekada 80. Itinuturing bilang isa sa mga biggest leading lady sa showbiz industry noon, kaliwa’t kanan ang pinagbidahang pelikula at teleserye ni Aiko.

Ilang dekada nga ang makalipas ay isa pa rin si Aiko sa mga hinahangaang aktres sa telebisyon dahil sa kanyang husay sa pag-arte at taglay na ganda.

Kamakailan ay nakatanggap ng maraming magagandang komento si Aiko mula sa netizens dahil sa kanyang batang hitsura at young looking skin!

Credit: @aikomelendez Instagram

Nito lamang June 15 ay ibinahagi ni Aiko ang kanyang larawan kung saan ay nakasuot siya ng isang casual outfit na isang Ralph Lauren blue t-shirt, denim short at rubber shoes. Mas lalo namang naging bagets si Aiko dahil sa kanyang suot na cute hairclip.

“Thank you @thebrandbar_ny for my Ralph Lauren shirt. Always loving simple and comfy clothes,” caption ni Aiko sa nasabing larawan.

Credit: @aikomelendez Instagram

Hindi lamang mga netizen ang pumuri kay Aiko kundi maging ang mga kasamahan niyang aktres sa showbiz.

Komento ng beuty queen-actress na si Lara Quigaman, “Fresh Ms Aiko”

Ani ni Gladys Reyes, “Batang-bata sis @aikomelendez”

Napa-w0w naman ang host-model na si RR Enriquez, “W0w akala ko si baby girl mo”

Credit: @aikomelendez Instagram

Sabi pa ni Regine Angeles, “Ang bagets Ms. Aiks!”

Masaya naman si Aiko dahil sa mga positibong komento ng mga netizen sa kanyang larawan.

Sa isang hiwalay na post, nagpasalamat si Aiko sa mga taong nagbigay ng kanilang magagandang komento tungkol sa kanyang batang hitsura.

“Hi Guys, thank you for making me trend yesterday and for the wonderful comments,” saad pa ni Aiko.

Credit: @aikomelendez Instagram

Ibinunyag din ni Aiko ang kanyang sekreto sa kanyang young looking face at mas fit na katawan.

Ani Aiko, “But I’d like to make a correction for those online food delivery claiming about my weight loss. My Food is being delivered by Ketovegetarianph Let’s give the credit to them. And also doing regular exercises at home. Plus machines at The Icon clinic Eric-Vina Yapjuangco”

Dagdag pa ni Aiko, masaya siya na makapagbigay inspirasyon sa ibang tao na halos sumuko na sa kanilang weightloss journey. Payo pa ni Aiko sa mga gustong magsimula sa kanilang weightloss journey, “it is never too late [to start].”

Credit: @aikomelendez Instagram

“I’m also taking Theobroma cacao drink to keep me healthy and younger looking. So sa lahat ng nagmessage sa akin salamat! Mahirap pero kng gugustuhin kakayanin naten yan 💚 Goodluck on your weightloss Journey! And yes wala po ako make up! Alma maria skincare naman yan 💚”