Hindi na matutuloy ngayong taon ang kasal nina Kapamilya actress Angel Locsin at Film-producer Neil Arce.

Ito ang inanunsyo ng celebrity couple sa kanilang panayam sa Metro.style.
Napagdesisyunan nina Angel at Neil na ilipat ang petsa ng kanilang kasal sa susunod na taon. Nilinaw naman ni Neil na wala pa rin daw itong kasiguraduhan dahil sa p@ndemya.

Aniya sa panayam, “It’s going to be moved to early next year. But, of course, it depends on the situation with the pandemic.”

Napag-isipan din umano nina Angel at Neil na isang intimate wedding ang gawin kaya lang hindi sila pabor dito.

Ani Neil, “We were thinking, ‘Should we do it small?’ But that’s not us eh. We’re friends, we have group of friends. We want everyone to be there. We want everyone to have fun.”
Ikwenento rin ni Neil na hindi pa umano nagkakaroon ng isang malaking party si Angel kaya gusto ni Neil na isang malaking kasalan ang ganapin.

Saad ni Neil, “And you know, Angel didn’t attend their prom. She didn’t have a debut. So this is the only big party she’s going to have.”

Inamin din ni Angel na napaka-hands on umano ni Neil sa pagpaplano ng kanilang kasal. Biro pa ni Angel na mas-bridezilla pa raw si Neil kaysa sa kanya.

Kwento ni Angel, “Actually, mas bridezilla siya. Ako kasi yes or no lang, okay o hindi. Ganun lang ako. Pero nahanap na niya ‘yun lahat. Iye-yes or no ko na lang sa kanya. Ganun siya.”

Tingin naman ni Angel na pinakamainam ang naging desisyon nila ni Neil na hindi ituloy ngayong taon ang kanilang kasal.

Ayon kay Angel, “Actually, kailangan namin ulitin ‘yun planning. Tapos na dapat siya eh. Better na safe ang lahat at confident na walang s@kit, so I think best decision namin na i-move na lang ‘yung wedding.”

Samantala, taong 2018 nang kinumpirma nina Angel at Neil ang kanilang relasyon. June 29, 2019 naman nang inanunsyo ni Angel sa kanyang Instagram account ang engagement nila ni Neil.