Isa sina Angel Locsin at Neil Arce sa mga celebrity couple na nakatakda sanang ikasal ngayong taon. Ngunit dahil sa p@ndemya ay napagpasyahan nilang huwag na munang ituloy ang kanilang pag-iisang dibdib.

Nitong November 8 sana gaganapin ang kasal nina Angel at Neil. At para gunitain ang orihinal na araw ng kanilang kasal, nag-post si Angel sa kanyang Instagram ng isang letrato nila ni Neil.

Ani Angel sa caption ng kanyang Instagram post, “So, we were supposed to get married today 😁 Nov 8, 2020 💍 how about you guys? Did you have plans this year that got moved?”
Hindi naman maitago ni Angel ang kanyang excitement para sa nalalapit nilang kasal ni Neil.
Aniya, “Can’t wait a few more months 👰🏻🤵🏻”

Kung gaano ka-excited si Angel ay ganoon rin ang kanyang fiancèe na si Neil.
Sa comment section ng post ni Angel ay sinabi ni Neil na hindi na umano siya makapaghintay na maging husband ni Angel.

Saad niya, “A few more months…can’t wait to be your husband.”
Maging ang mga malalapit na kaibigan nina Angel at Neil ay hindi na rin makapaghintay na masaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib. Komento nila:

“excited for you guys”
“Waaah! Congrats in advance”
“Best wishes in advanced!”
“Best wishes to you two”

Matatandaang nitong September ay inanunsyo nina Angel at Neil na ipinagpaliban nila ang kanilang kasal dahil sa p@ndemya.
Ibinahagi rin ni Neil na gaganapin “early next year” ang kanilang kasal kung maayos na ang lahat at wala nang banta ng c0vid.

“It’s going to be moved to early next year. But, of course, it depends on the situation with the p@ndemic,” ani Neil.
Ibinunyag pa ni Neil na natapos na umano nilang ilatag ang kanilang mga plano para sa kanilang kasal sana ngayong taon at dahil nabago ang petsa kailangan na naman daw nilang mag-umpisang magplano ulit.

“Best decision” din umano para sa kanila na ilipat ang kanilang kasal bilang pag-iingat na rin sa c0vid.
Paglalahad pa ni Neil, “Actually, kailangan namin ulitin ‘yung planning. Tapos na dapat siya eh. Better na safe ang lahat at confident na walang s@kit, so I think best decision namin na i-move na lang ‘yung wedding.”

June 2019 nang ibinalita nina Angel at Neil ang kanilang engagement.