Matapos maantala ang kanilang kasalan noong nakaraang taon, ginulat nina Angel Locsin at movie producer Neil Arce ang lahat pagkatapos nilang inanunsyo sa kanilang vlog nito lamang Linggo, August 7, na sila ay kasal na.
Credit: @therealangellocsin Instagram
Ang akalang isang simpleng “lipat-bahay” vlog lamang ay naglalaman pala ng isang announcement mula sa celebrity couple.
Isa naman ang aktres na si Dimples Romana-Ahmee sa mga taong unang nakaalam tungkol sa intimate civil wedding ceremony ng celebrity couple.
Credit: @therealangellocsin Instagram
Lingid sa kaalaman ng marami, matalik na kaibigan ni Angel si Dimples kaya naman present ito sa kasalan.
Marami naman ang naaliw sa Instagram post ni Angel kamakailan kung saan ay ibinahagi niya ang naging conversation nila ni Dimples bago ang kanyang kasal.
Credit: @therealangellocsin Instagram
Sa kanyang post, ini-reveal ni Angel kung gaano siya kaswerte na magkaroon ng isang kaibigan na tulad ni Dimples.
Sa post ay tinanong ni Angel si Dimples kung pwede ba itong maging saksi sa kanyang kasal.
“Mars? Pwede ka bang mag witness? Kailangan pala hehe,” tanong ni Angel kay Dimples.
Credit: @therealangellocsin Instagram
Walang pag-aalinlangan namang sagot ni Dimples, “Oo naman. Anong kailangan mo? Anong isusuot?”
Tila naloka naman si Dimples nang sabihin ni Angel na pwedeng simpleng pantalon lang ang kanyang suotin o hindi naman kaya kahit naka-tsinelas lamang siyang dadalo sa kasal.
“Wala kang kwentang kausap. Di nga?…Sa harap ng mayor, naka-tsinelas?! Mag ayos ka naman!” ani Dimples.
Makikita rin sa mga larawang ibinahagi ni Angel ang pagiging emosyonal ni Dimples sa mismong araw ng kanyang kasal.
Credit: @therealangellocsin Instagram
Nagbiro pa si Angel kung saan tinanong niya si Dimples kung siya ba ang ina ng bride.
“Excuse me… are you the mother?” ani Angel.
Talaga namang isang maaasahang kaibigan si Dimples base sa pagpapalitan nilang magkaibigan ng mensahe.
Kaya naman sa huli ay nakiusap si Angel na protektahan ang aktres dahil mahal na mahal umano niya ito.
Credit: @therealangellocsin Instagram
“Ang pakiusap ko lang, let’s protect Dimples Romana at all cost😂❤️ Mahal na mahal ko yan,” sabi pa ni Angel.
Samantala, maraming netizens ang humanga sa uri ng pagkakaibigan na mayroon sina Angel at Dimples. Hiling pa ng ilang netizens na sana ay makahanap din sila ng isang kaibigan na tulad ni Dimples. Komento pa ng ilang netizens:
“The kind of friendship that is worth to keep. Congrats, Darna.”
“I cried looking at her photo. Shut@ kayo! Ang ganda ng friendship.”
Credit: @therealangellocsin Instagram
“Find a best friend na iiyakan ka daig pa niya yung magulang mo kung umiyak”
“@dimplesromana is the friend everybody needs in their life!”
Ikinasal sina Angel at Neil sa isang simpleng intimate civil wedding ceremony sa Taguig City.