Angel Locsin, ikinasal na sa wakas sa kanyang bestfriend-fiancé na si Neil Arce!

Matatandaang makailang ulit nang hindi natuloy ang kasalan ng aktres na si Angel Locsin at film producer na si Neil Arce dahil sa kasalukuyang p@ndemya.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Kaya naman nagulat ang marami nang bigla nilang inanunsyo ngayong araw, August 7, na kasal na sila!

Officially married na nga ang celebrity couple halos isang taon matapos ma-postpone ang kanilang inaabangang kasalan noong November 2020. Masayang inanunsyo nina Angel at Neil sa kanilang latest vlog na ikinasal na silang dalawa.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Bukod sa wedding announcement, mapapanood din sa vlog ng dalawa ang paglipat nila sa kanilang magiging bahay na mag-asawa.

At base naman sa ilang wedding photos na ibinahagi nina Angel at Neil sa kanilang vlog, ikinasal sila sa isang simpleng civil wedding ceremony na pinangunahan ng alkalde ng Taguig City na si Mayor Lino Cayetano.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Sa Instagram, ipinahayag ni Angel ang kanyang ‘di maitagong kasiyahan dahil sa wakas opisyal na silang kasal ni Neil.

Ani Angel sa kanyang Instagram, “and just like that [emoji] Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig [emojis]”

Credit: @therealangellocsin Instagram

Ibinahagi naman ng Nice Print Photography sa kanilang Instagram account ang ilang wedding photos nina Angel at Neil kalakip ng caption na, “They’re officially married! Congratulations @therealangellocsin @neil_arce Civil wedding done Watch their YouTube video now up on angel and neil channel.”

Credit: @niceprintphoto Instagram

Maaalalang nagsimula sa pagkakaibigan ang relasyon nina Angel at Neil. Lingid sa kaalaman ng marami, naging matalik na magkaibigan muna sina Angel at Neil bago nila inanunsyo noong February 2018 ang kanilang relasyon.

Na-engage naman ang dalawa noong June 2019, makalipas ang mahigit isang taon nilang pagiging magkasintahan. At nakatakda dapat silang maikasal noong nakaraang taon ngunit dahil sa banta ng c0vid ay hindi ito natuloy.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Samantala, present at nagsilbing witness sa kasalan nina Angel at Neil ang aktres at matalik nilang kaibigan na si Dimples Romana at ang asawa nitong si Boyet Ahmee. Isa rin si Dimples sa mga unang bumati kina Angel at Neil.

“Like the way you have our backs, MR and MRS @neil_arce @therealangellocsin , we will always have yours 👰‍♂️🤵‍♂️🤍 @papaboyetonline and I are honored and humbled to have been part of this beautiful moment,” saad ni Dimples sa isang Instagram post.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Dagdag niya, “And like what our beloved Mayor @linocayetano said, Kapag mawala pa lahat, HOPE, FAITH and LOVE remains , truly you are each other’s treasure 🥰 anubaaaaaaa naiiyak pa din ako!!! Hhahahahah 📸 @stephenpechon @niceprintphoto”

Bumuhos naman ang pagbati para kina Angel at Neil mula sa maraming showbiz personalities. Kabilang sa mga nagpaabot ng pagbati para kina Angel at Neil sina Bea Alonzo, Iza Calzado, Marvin Agustin, Zanjoe Marudo, Arjo Atayde at Eula Valdes.