Angel Locsin, ini-reveal na nag-baback out noon sa mga audition tuwing nakakasabay si Solenn Heussaff

Maituturing na isa sa mga pinakamahusay na aktres ng kanyang henerasyon si Angel Locsin. Bumida sa maraming ‘di malilimutang teleserye si Angel tulad ng “Mulawin” at “Darna” at maraming mga box-office hit na pelikula tulad ng “One More Try” at “The Four Sisters and a Wedding.”

Credit: @therealangellocsin Instagram

Ngunit sino ang mag-aakalang minsan sa buhay niya, sa kabila ng kanyang kagandahan at talento, naranasan din ni Angel ang panghinaan ng loob na mag-audition?

At ang dahilan? Walang iba kundi ang kapwa niya aktres na si Solenn Heussaff!

Ito ang inamin ni Angel sa podcast ni Kapamilya actor-racer Matteo Guidicelli na “MattRuns” kamakailan lamang.

Sa kanilang masayang kwentuhan, ibinahagi ni Angel na hindi kailanman sumagi sa kanyang isipan na magiging artista siya. Kwento niya, rumaraket lamang siya noon para makatulong sa kanyang pamilya.

 

Credit: @therealangellocsin Instagram

“Naghahanap ako ng way para maka-contribute sa bahay. Isa akong batang raketera…Pero hindi sumasayad sa isip ko na pwede ako mag-artista, kasi sa pamilya ko wala namang showbiz,” bahagi ni Angel.

Ikwenento naman ni Angel kung paano siya nagkaroon ng pagkakataong mag-audition para sa isang TV commercial.

“Pero may time na may sinamahan ako sa audition. Habang nag-aantay, pina-audition na rin ako, ‘Okay, nandito na rin ako,'” pagbabalik-tanaw ni Angel.

Iginiit naman ni Angel na sa kabila ng kanyang simpleng outfit sa nasabing audition na isang wrestl!ng t-shirt, cap at backpack, masasabi niyang may kumpiyansa siya sa sarili dahil alam niyang maganda siya.

Credit: @therealangellocsin Instagram

“Alam kong maganda ako… Alangan sabihin ko ang pangit ko, ‘di ba? Wala nang ibang pupuri sa akin kundi sarili ko!” ani Angel.

Gayunpaman, aminado si Angel na may mga ilang limitasyon pa rin. Dito na ikwenento ni Angel kung paano siya nag-back out noon sa mga audition tuwing nakakasabay niya si Solenn.

“Si Solenn dati lagi kong nakakasabay ‘yan sa mga VTR. Wala pang GMA noon, mga commercial pa lang. Nagco-commute ako simula Caloocan papuntang Makati, naka-ilang bus tapos mag-MMRT pa ako,” ani Angel.

Dagdag niya, “So ang pawis ko, diretso akong audition. Papasok si Solenn galing kotse! Ang ganda ganda ni Solenn talaga! Yung alam mong gusto ko na lang umuwi kasi alam mong hindi ka makukuha!”

Credit: @solenn Instagram

Lumipas nga ang maraming taon, ibinahagi ni Angel kay Solenn kung paano siya umaatras kapag nagsasabay sila sa audition.

Kwento ni Angel, “Kinausap ko na si Solenn na, ‘Solenn, alam mo ba dati ‘pag pumupunta kayo sa audition, umuuwi na lang ako kasi alam kong hindi ako makukuha?'”

Ayon naman kay Angel, hindi na umano siya natatandaan ni Solenn ngunit tawang-tawa naman raw ito sa kanyang kwento. Nilinaw naman ni Angel na hindi ‘snob’ ang model-actress.

Credit: @solenn Instagram

“Hindi niya ako natatandaan…So, tawa lang siya ng tawa! ‘Gel, sorry,’ gumaganon siya. ‘Bakit ka nagso-sorry, ano ka ba!” kwento ni Angel.