Angel Locsin, may mensahe sa mga taong nanlalait sa kanyang pangangatwan ngayon

Kahit na wala kang ibang ginagawa kung hindi ay maging masaya para sa sarili at magbigay ng kasiyahan, may mga tao pa rin talaga na hindi nauubusan ng kritikal na komento tungkol sa’yo. Kung noon ay sobrang bothered at labis na naaapektuhan si Angel Locsin nito, ngayon naman ay matapang na hinarap ng aktres ang lahat ng “body shamers”.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Sa pinakabagong vlog ni Ogie Diaz, napag-usapan nila ni Angel Locsin ang mga panahong labis siyang kinutya ng mga tao dahil sa “malaki” niyang katawan.

“I’m acknowledging, yes. Malaki ako eh ano naman ngayon? Bakit, may kawalan ba? Minsan kung makalait pa ‘yung iba, tinitingnan ko ‘yung profile picture, ‘excuse me naman sa’yo ha!’ Siyempre, ayaw mo naman manlait ng ibang tao ‘di ba. Minsan napapa-smile ako na parang, ‘Ouch. Nahiritan ako’ pero pagdating ko na sa profile picture, ‘okay lang,'” natatawang sabi ni Angel na makwela namang sinabayan ni Ogie.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Of course, sinusubukan naman ng aktres na magbawas ng timbang pero ayon sa kanya, hindi umano niya sobrang determinado dahil kahit na’y bumalik man siya sa dating katawan o manatili sa kung ano man siya ngayon, hindi pa rin mawawala ang pagkakakilanlan niya bilang si Angel Locsin.

“I’m trying but I’m not trying my best. I don’t really care. I’m Angel Locsin. Na-develop ko ‘yung sarili ko nang kung ano man ako ngayon. I don’t really care,” sabi ng aktres.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Sa ilang taong pamamalagi ni Angel sa showbiz, pag-eenjoy sa spotlight at pagiging aktres na kinabibiliban talaga ng karamihan, matagal umano siyang nagtiis sa sakit kapag nakakatanggap ng masasakit at kritikal na komento at opinyon mula sa mga tao pero ngayon na natutunan na niyang mamuhay nang hindi masyadong nabo-bother sa kung ano man ang sabihin ng iba, proud ngayon ang aktres sa development niyang ito.

Credit: @therealangellocsin Instagram

“What I mean is, I don’t care kung ano ang opinyon ng ibang tao. Okay ako eh. Ang ganda ko sa paningin ng asawa ko. I mean, dadating din tayo diyan. Kung papayat ka, papayat ka but it’s not an issue. Parang ang pagiging Angel Locsin ko ay hindi nasusukat sa kung gaano ako kabigat. Alam ko ang dami kong na-prove sa sarili ko, sa ibang tao so okay na dun. Bahala na kung ano ang sasabihin. Okay lang. Wala po akong pakialam,” ayon kay Angel.