Muli na namang naagaw ni Angel Locsin ang spotlight dahil sa kanyang bagong look na sobrang pumatok sa kapwa celebrities at netizens.
Credit:Β @therealangellocsin Instagram
Mula pa man noon, kilala na si Angel Locsin dahil sa kanyang beauty at sa ilang taon na pamamalagi niya sa industriya ng showbiz bilang isang aktres, talagang wala siyang palya sa pagpapatunay sa kanyang kahusayan sa larangan ng acting. Kahit na’y sobrang hawig at maaari man na tawagin bilang literal na anghel na nahulog sa lupa, aba’y walang inuurungan na roles ang aktres dahil kayang-kaya rin niyang maging astig!
Kapag usapang versatile na aktres, si Angel Locsin na talaga ang nangunguna.
Mula sa pagbida niya bilang ang Pinay superheroine na si Darna, kalahating lobo at kalahiting tao sa teleseryeng “Imortal”, at ang pagganap niya sa astig na role ni Rhian sa “The General’s Daughter,” talagang hindi kumupas ang kagandahan ni Angel dahil kahit na’y kasalukuyang 37 taong gulang na ngayon ay maaari pa rin siyang mapagkamalan na nasa kanyang 20’s pa lamang.
Credit:Β @therealangellocsin Instagram
Kung noon ay palagi na niyang napapalaglag ang panga ng netizens dahil sa kanyang pisikal na attributes, muli na naman niyang pina-wow ang karamihan dahil sa kanyang bagong look kung saan ay hindi lamang siya mapapagkakamalan na nasa kanyang 20’s kundi ay parang 17 taong gulang!
Ano ang sikreto sa dalaga look na ito ni Angel Locsin? Aba’y obvious naman! Sa kanyang ibinahaging mga larawan sa Instagram nito lamang, makikita na may bangs na ngayon ang aktres.
Sa kanyang caption, mababasa ang “She bangs”.
Credit:Β @therealangellocsin Instagram
Sa post na ito ni Angel, kaagad na umulan ng papuri at iba’t-ibang positibong mga komento galing sa kapwa niya celebrities at fans na sobrang na-appreciate ang “Korean look” ng aktres.
“You look 17,” papuri ni Bubbles Paraiso.
“Koryan anak,” sabi naman ni Rita Avila.
“Ganda πππππΈπΈπΈπΈ,” komento ni Paula Peralejo-Fernandez.
“πππ gondah!!!!” sabi ni Nikki Valdez Garcia.
Credit:Β @therealangellocsin Instagram
Ayon naman kay Neri Naig-Miranda, “Bageeeeeeets!”
Of course, hindi naman nagpapahuli ang asawa ni Angel na si Neil Arce dahil may entry din ito sa mismong comment section ng post ng aktres.
“nae insaeng-ui salang,” comment ni Neil na ibig sabihin ay “love of my life”.
Ngayon na nagpagupit ng bangs ang aktres at talaga namang pumatok sa netizens, hindi na kataka-taka kung ilang araw mula ngayon, maging trend na rin ito!