Angel Locsin, sinabing ang paglibre noon kay Dimples Romana ng manggang hilaw ay isa sa kanyang “best decisions ever”

Talaga namang espesyal ang ating kaarawan pero mas napapatamis at na-eenjoy natin ito kapag nakakatanggap ng mga magagandang mensahe sa mga taong malapit sa ating puso.

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

Parehong kilala sina Angel Locsin at Dimples Romana sa industriya ng showbiz. Maliban sa walang kakupas-kupas nilang kagandahan, hindi rin maitatanggi ang kahusayan nila pagdating sa pag-arte.

Katulad ng iba, naging daan ang showbiz upang magkalapit ang loob ng dalawa at kahit na’y ilang taon naman ang nakalipas, nananatili at patuloy pa rin na pinapatatag ng panahon ang kanilang pagkakaibigan.

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

Of course, bilang matalik na magkaibigan, palaging nandiyan ang dalawa para sa isa’t-isa. Sa ilang taon nilang pagsasama bilang mag-bestie, talagang pinatunayan nina Angel at Dimples na napaka-genuine ng kanilang friendship.

Sabado, November 13 nang ipinagdiwang ni Dimples ang kanyang ika-37 na kaarawan kung saan ay nakatanggap siya ng sandamakmak na greetings galing sa kapwa celebrities at fans pero mas naging espesyal pa ang kanyang birthday nang nagbigay ng mensahe ang kanyang bestie na talaga namang humaplos sa kanyang puso.

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

Kalakip ang mga larawan nila ni Dimples kung saan ay iilan pa nga sa mga ito ay kuha ilang taon na ang nakakalipas, ikinuwento ni Angel ang isa sa mga “best decision” na kanyang ginawa.

“Treating you to mangang hilaw many years ago, was one of the best decisions I ever made ๐Ÿ’• After all these years, going strong pa rin tayo ๐Ÿ˜„,” sulat ni Angel sa kanyang caption.

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

Dagdag pa niya, “Seriously, you know how much I love you and Iโ€™ll always have your back no matter what. Iโ€™m proud to call you my best friend๐Ÿ’• Happiest birthday to the best! Love you @dimplesromana ๐Ÿ’•๐Ÿ’•๐Ÿ’•”

Hindi naman lingid sa karamihan kung gaano ka-supportive at kamahal nila ang isa’t-isa. Marami rin ang natuwa at kinilig sa tunay nilang pagkakaibigan dahil talaga namang bibihira ang makahanap ng ganitong uri ng friendship sa mundo ng showbiz.

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

Samantala, hindi rin nakalagpas sa atensyon ng netizens ang “ageless beauty” ni Dimples nang ibinahagi niya sa Instagram ang mga larawang kuha niya sa ginawang photoshoot nito lamang. Suot ang sexy at eleganteng pink dress, halos hindi makapaniwala ang karamihan na 37 taong gulang na ngayon ang aktres!

Nabiyayaan ng magandang pamilya at amazing na bestfriend, hindi na palaisipan kung bakit napakablooming ngayon ni Dimples Romana.

Credit:ย @therealangellocsin Instagram

Bibihira man ang makahanap ng tunay na kaibigan, kaagad namang nag-click sina Dimples at Angel at hanggang ngayon ay “going strong” pa rin!