Usap-usapan muli ngayon ang tinaguriang real life Darna na si Angel Locsin dahil sa mga letratong nakuhanan at inupload ng isang netizen na nagngangalang Angelica Santos.

Ayon kay Angelica ay nakita niya si Angel Locsin noong nagsimba sila sa Our Lady Grace Church sa Caloocan. Makikita sa mga letrato na inupload ni Angelica na kasalukuyan noong nagshoshoot si Angel Locsin pero hindi nabanggit ng netizen kung ano ang shooting na iyon.

Ayon kay Angelica, “Nagsimba lang naman kami nakita ko na si Angel Locsin”.
Pinuri naman ng naturang netizen ang walang kupas na kagandahan ni Angel, “super gandaaaa”

Ikwinento din ng netizen ang mabait na pakikitungo sa kanila ng aktres, “Sabi nya samin “Hi po sorry sandali lang po ah””
Marami ang nagulat sa mas lalong pagdagdag ng timbang ni Angel base sa mga letratong inupload at halo-halo ang naging reaksyon ng mga netizen hinggil dito ngunit marami pa rin ang pumuri sa angking ganda ng aktres at sa kanyang kabaitan at kahandaang tumulong sa kapwa.

“Shes Beautiful, no matter what they say, … beautiful, real and charming”
“Khit ano itsura mo angel love prin kita”

“Napaka ganda mo talaga miss Angel Locsin 🥺💗”
“Kahit tumaba si angel super ganda pa din nya. Beautiful inside and out.”
Marami ding mga taga suporta si Angel Locsin na ipinagtanggol ang aktres mula sa mga nagbibigay ng negatibong komento tungkol sa pangangatawan niya ngayon.

Ayon sa ibang mga netizen ay ang pagdagdag ng timbang ni Angel ay dahil sa natamo nitong spine !njury. Dahil dito ay may mga ehersisyo nang hindi pwedeng gawin ang aktres katulad noon. Bukod pa dito ay meron din daw iniinom na gamot ang aktres na ang epekto ay ang pagdagdag ng timbang.

“Effect po ng medicine DHL s sak!t nya…grbe nmn mkahusga..wg po gnun bad Yun..still pretty angel..❤️”

“Sa ngayon bawal c angel Locsin mg work out, DAHIL sa spine !njury nia, at Kaya xa tumaba DAHIL siguro sa effect ng medicine nia.. but still she’s beautiful inside and out, and she’s always be my idol..”

Si Angel Locsin ay engaged to be married sa direktor na si Neil Arce. Nakatakda sana silang ikasal ngayong taon ngunit dahil sa kasulukuyang kinakaharap na p@ndemya ng bansa ay ipinagpaliban muna nila ito sa susunod na taon.