Angelica Panganiban, iba ang kasiyahang nararamdaman simula nang maging isang certified plantita

Isa sa mga nauusong libangan ngayon ng Pinoy ang pag-aalaga ng mga halaman. Sa katunayan, kanya-kanyang bahagi ng mga larawan ang mga Plantita at Plantito ngayon sa kanilang social media tampok ang mga alaga nilang halaman.

Credit: Angelica Panganiban Instagram         

Marami kasi ang nakapagpatunay na may magandang epekto ang paghahalaman sa ating kalusugan lalo na sa aspetong mental.

Isa nga si Kapamilya actress Angelica Panganiban sa mga nakaranas na sa magandang epektong dulot ng pag-aalaga ng halaman sa ating mental health.

Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Angelica sa online talk show nitong “I Feel U” ay ibinunyag ni Angelica na isa siyang certified Plantita.

Credit: ABS-CBN Star Cinema YouTube

Nakakamangha ang bilang ng mga alagang halaman ni Angelica sa kanyang bahay. Umabot na kasi ng mahigit 100 ang inaalagaan niyang mga halaman.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Pahayag ni Angelica sa online interview, “Feeling ko mahigit 100 na siya. Pero nag-start ako matagal na. Hindi naman siya nag-start nu’ung quarantine. Parang nagstart siya sa paisa-isa tapos nagandahan ako.”

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Nag-umpisa raw sa paisa-isa lang ang pangongolekta niya ng mga halaman hanggang sa dumami na dahil nagugustuhan niya ang pakiramdaman na ibinibigay ng mga halaman sa kanya.

Kwento ng aktres, “Parang nakikita kong napapaganda niya ang mood ko, nare-relax ako. Na-excite akong umuwi ng bahay. Iche-check ko kung may mga bagong bang halamang tumubo.”

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Pag-amin niya, “Syempre nu’ng [email protected] mas napansin ko na, ‘ay parang pwede pa akong maglagay ng halaman dito’. So naglagay dun tapos wala na napuno ko na ‘yung bahay. Puno na talaga siya.”

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Bukod sa paghahalaman ay nagawa rin ni Angelica na alagaan nang mabuti ang sarili ngayong panahon ng [email protected]

Inamin ni Angelica na tumigil muna siya sa pag-inom ngayong [email protected]

Credit: Angelica Panganiban Instagram

“Nagwo-workout, nagyo-yoga naman. Syempre kasi kapag [email protected] ano pa bang gagawin ‘di ba? Iinom nalang. So, parang dun din masusukat mo ang kontrol mo na parang, ‘tama na Ange, okay na siguro. Ilang buwan na oh’. Wag ka nalang din munang uminom. Napagod nalang din ako.”

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Ibinunyag din ni Angelica ang na-realize niya ngayong panahon ng [email protected] na kaya niyang mag-isa.
Aniya, “Natutuwa naman ako kasi parang natutong akong mag-control. Tsaka mapapansin mo, kaya mo naman pa lang mag-isa. Okay ka naman pala, ikaw ‘yung magluluto for yourself. Nakaka-survive naman. So parang nakikita mo nga rin na, ‘ay okay na ako, strong na ako’. May mga nami-miss ka lang kapag nagk-kdrama pero survivor Philippines pa naman po ako.”

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Samantala, isa sa mga pinakaabalang artista ngayon si Angelica dahil sa sunod-sunod niyang proyekto sa ilalim ng ABS-CBN.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Ngayong September 25 ay mapapanood na ang online show ni Angelica na “Ask Angelica” kung saan ay magsisilbi siyang love guru o tagapayo sa mga taong may problema sa pag-ibig pati na rin sa buhay.