Angelica Panganiban, ini-reveal sa kauna-unahang pagkakataon ang mukha ng lalaking bumihag sa kanyang puso

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ini-reveal na ng aktres na si Angelica Panganiban ang mukha ng lalaking nagpapatibok sa kanyang puso ngayon.

Matatandaan na noong January 1, unang ipinost ni Angelica ang larawan nila ng kanyang bagong nobyo.

Credit: @angelicap Instagram

Sa nasabing larawan na ipinost ni Angelica ay naka-sideview lamang ang lalaking hula ng maraming netizens ay ang businessman na nakabase sa Subic, Zambales na si Gregg Homan.

Natuldukan na nga ang mga espekulasyon ng marami na si Gregg ang bagong nobyo ngayon ng aktres matapos mag-post ulit si Angelica ng larawan nilang dalawa sa kanyang Instagram.

Nitong Sabado, February 5, isang larawan ang ibinahagi ni Angelica kung saan ay makikita na ang mukha ni Gregg.

Credit: @angelicap Instagram

Sa selfie picture na ibinahagi ni Angelica ay makikita siyang masayang nakaakbay sa balikat ni Gregg. Kumpirmado na ngang si Gregg ang nagpapasaya ngayon kay Angelica base na rin sa kasiyahan na makikita sa mukha ng aktres.

Naka-pin din bilang lokasyon ng larawan ang Subic Bay. Kasama naman nina Angelica at Gregg sa larawan ang kanilang alagang aso na si Roxy na itinuturing din nilang kanilang anak.

“Dad, Mom, make space for me? ‘Cause I’m the cutest—Roxy,” caption ni Angelica sa larawan nila ni Gregg.

Credit: @angelicap Instagram

Sa ngayon ay nananatili pa ring tikom ang bibig ni Angelica tungkol sa relasyon nila ni Gregg.

Gayunman, sapat na ang mga litratong ibinabahagi ni Angelica sa kanyang social media para ipakita sa lahat na masayang-masaya siya ngayon sa piling ng kanyang bagong nobyo.

Sa katunayan, sinabi noon ni Angelica sa kanyang Instagram post na kung isa mang pelikula si Gregg ay sana wala itong ending.

Credit: @angelicap Instagram

Mukhang hopeful si Angelica na magtatagal ang relasyon nila ni Gregg.

Ani Angelica, “Kung isa kang pelikula, sana, wala kang ending.”

Samantala, ipinahayag naman ng mga kasamahan ni Angelica sa showbiz industry ang kanilang kasiyahan para sa bagong relasyon ng aktres.

Credit: @angelicap Instagram

Komento ni Maxene Magalona, “SOOO HAPPY FOR MY SIZZZY!!!”

Ani Barbie Imperial, “Anak ng!!!!!!!!! Eto na!!! Ang saya ko para sayo!!!!”

Saad ni Arci Muñoz, “Love ko kayo masaya akooooooooo”