Angelica Panganiban, ipinasilip na ang mga mata ng kanyang bagong silang na baby

Sa magandang balita na ibinahagi ni Angelica Panginaban sa publiko tungkol sa pagsilang niya sa kanyang baby girl, tila’y ipinagdiwang ito ng buong mundo ng showbiz dahil hindi naman kailanman naging sikreto para sa mga kaibigan niya sa loob at labas ng showbiz kung gaano niya kapangarap ang pagiging isang ina at ngayong natupad na ito, halos wala talagang mapagsidlan ng tuwa ang aktres.

Credit: @iamangelicap Instagram

Sa napakamurang edad, pinasok na ni Angelica Panginaban ang industriya ng showbusiness at dahil sa kanyang nakakabilib na talento sa pag-arte, marami at sunod-sunod talaga ang projects at opportunities na kanyang natanggap. Sa pagtuloy na paglipas ng panahon, mas lalo lamang siyang umangat sa kasikatan at napamahal sa kanyang fans dahil sa magaan at genuine niyang personality kahit nasa harap o likod man ng kamera.

Sa ating pagbabalik-tanaw, mapapabilib na lamang tayo sa mabilis na paglipas ng panahon dahil ang noo’y chikiting na si Angelica o “Angge” ay may sarili ng pamilya at nito lamang ay isa ng ganap na ina!

Matatandaang Enero noong nakaraang taon nang kinumpirma ng aktres ang relationship niya sa kanyang non-showbiz bf na si Gregg Homan at nito lamang buwan ng Marso nang isinapubliko niyang ipinagbubuntis niya ang magiging anak nila ng partner. Matapos niya itong ibinalita sa publiko, halos hindi na talaga mapigilan ni Angelica ang kanyang excitement dahil ang pagiging isang ina umano ang isa sa mga bagay na matagal na niyang hinihiling.

Credit: @iamangelicap Instagram

Dahil sa nararamdaman niyang labis na excitement, patuloy ang aktres sa pagbibigay ng update sa kanyang fans tungkol sa buhay nila ni Gregg habang hinihintay na ma-meet ang kanilang chikiting at matapos nga ang ilang buwan, isinilang na rin ni Angelica ang kanyang baby girl na pinangalanan nilang si baby Amila Sabine.

Sa post ni Angelica sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang larawan ng magagandang mga mata ni baby Amila Sabine na talaga namang pinagkaguluhan ng kapwa niya celebrities at fans.

“Congratulations, Ate Angge and Kuya Greg!!!!!!!!!!! 😭♥️,” sabi ni Sue Ramirez.

Credit: @iamangelicap Instagram

“naku naman!!!!!😍😍😍😍😍 abujing jing sabine❤️❤️❤️❤️❤️,” panggigigil naman ni Cherry Pie Picache.

“Aaaaw so precious! Congratulations Angelica and Gregg!!!! ❤️,” pahayag ni Bianca Gonzalez.

“Sissssss 🥹🥹🥹🥹 congratulations!!!!!! ❤️❤️❤️🥰🥰🥰 she’s got your eyes 😍,” komento naman ni Camille Prats.

Credit: @iamangelicap Instagram

Bagama’t mga mata pa lamang ni baby Amila Sabine ang ipinakita ni Angelica, siguradong sigurado na ang lahat na para itong literal na anghel na siyang tumupad sa pangarap ng aktres na maging isang ganap na ina.