Angelica Panganiban masayang inanunsyo ang pagbubuntis: “Magiging ganap na INA na po ako!”

Simula pa noong kabataan niya ay kilala na si Angelica Panganiban dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Hindi din lingid sa kaalaman ng marami ang mga pinagdaanan ni Angelica pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

Credit: @iamangelicap Instagram

Kaya naman nang ianunsyo ni Angelica at ipinakilala ang kanyang non-showbiz boyfriend ay marami ang natuwa at nagsabing sana ay ito na ang lalaki ng talagang magmamahal sa aktres.

Ngayon ay mas lalong masaya ang mga tagasuporta at mga nagmamahal kay Angelica dahil sa isang magandang balitang inanunsyo nito. Ito ay ang kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Greg.

Sinabi ni Angelica na matagal niyang inantay na magampanan ang papel bilang isang ina at ngayon nga ay matutupad na ito dahil sa pagdating ng kanilang unang baby.

Credit: @iamangelicap Instagram

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako. 🥲🥲🥲”

Nagpost din ng letrato si Angelica ng letrato nila ni Greg kung saan hawak nito ang tiyan ni Angelica. Bukod pa dito ay pinakita din ni Angelica ang isang video kung saan ay makikita ang ultras0und sa kanya at maririnig siyang emosyonal na nagsasabi ng “Oh my G0d!” dahil sa saya niya na sa wakas ay magiging mommy na siya.

Nagbiro din si Angelica sa post na ang kanyang pagbubuntis ay isang patunay na meron talaga siyang matres.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! 😬”

Credit: @iamangelicap Instagram

Tinapos ni Angelica ang kanyang post na nagpapasalamat sa lahat ng kapamilya at kaibigan na sumuporta sa kanya. SInabi rin niya kung gaano siya naiiyak na sa wakas ay magkakaroon na siya ng kanyang sariling pamilya.

ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu 😭 may pamilya na ko 😅 kaiyaq pramis 😂