Angelica Panganiban, matamis ang naging pagsalubong ng bagong taon kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend!

Masayang-masaya ang estado ng buhay pag-ibig ngayon ng aktres na si Angelica Panganiban. Matapos dumaan sa maraming breakup at pagkasawi sa pag-ibig ay mukhang nakakita muli ng bagong pag-ibig si Angelica base sa litratong ibinahagi niya sa kanyang Instagram nitong bisperas ng bagong taon.

Credit: Angelica Panganiban Instagram   

Sinalubong ni Angelica ang bagong taon kasama ang kanyang “new found love”.

Kung pagbabasehan ang larawan na inupload ni Angelica ay masasabing ang lalaki na nga ang bago nitong boyfriend ngayon. Makikita kasi sa litrato si Angelica na hinahalikan ang lalaki.

Sa litrato ay naka-side view sina Angelica at ang hindi pa nakikilalang bagong boyfriend niya. Kahit hindi kita ang mukha ng bagong idini-date ngayon ni Angelica ay hindi naman maitatago sa kanilang mga ngiti ang kasiyahan.

Tila hinugot pa mula sa isang romantic book ang caption ni Angelica sa larawan nila ng kanyang special someone.

Sa caption ay makabuluhang sinabi ni Angelica na, “Kung isa kang pelikula, sana wala kang ending.”

Sa komento naman ng mga celebrity friend ni Angelica sa litrato ay tila kinumpirma ng mga ito na ang lalaki ang bagong boyfriend ng kanilang kaibigan.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Inihayag ng mga kaibigan ni Angelica tulad na lamang nina Arci Muñoz, Angel Locsin at John Prats ang kanilang kasiyahan para sa kanilang kaibigan.

Ani Arci, “Love ko kayo masaya akooooooooo😭😭😭❤️😍❤️😍❤️😍❤️”

Komento ni Angel, “Ayan naaaaa!”

Saad ni John, “Happy for you Pets!”

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Ngunit sino nga ba ang bagong boyfriend ni Angelica?

Maraming netizens ang “curious” sa katauhan ng lalaking bagong nagpapatibok ngayon sa puso ni Angelica.

Hula naman ng mga netizen na ang lalaking kasama ni Angelica ay si Gregg Homan.

Matatandaang napabalita noon na si Gregg ang bagong karelasyon ni Angelica matapos ma-spottan ang dalawa na nagpapalitan ng sweet message sa isa’t isa sa social media.

Saad ni Angelica kay Gregg, “come home na”, na ni-replyan naman nito ng, “just a few more days Honn”.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Mabilis namang nakahanap ng impormasyon ang mga netizen tungkol kay Gregg batay sa social media bio nito. Narito ang ilang komento ng netizens:

“Gregg Homan a businessman from Subic Bay”

“may ari ng pagawaang ng yacht taga Subi, may-ari din ng hotel”

“Yup, I checked on Facebook. Owner of Mangrove resort hotel?”

“gregg homan based on articles is a managing partner for bay marine subic”

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Samantala, nitong September 25 sa isang episode ng kanyang online show na “Ask Angelica” sinabi ng aktres na “kalmado” ang estado ng kanyang puso ngayon.

Ani Angelica, “Ang aking puso ay kalmado ngayon.”

Sinabi rin ng matalik na kaibigan ni Angelica na si Glaiza de Castro na masaya ang aktres ngayon dahil may nag-aalaga na umano rito.

Ani Glaiza, “Ngayon, hindi ka na mahihirapan dahil may nagki-care sa’yo. Basta, iyon na ‘yun! Masaya ako para sa’yo, amiga.”