Angelica Panganiban, may mensahe para kay John Lloyd Cruz: “Kung nahanap ka na, baka naman pwedeng magparamdam ka…”

Kapag ang magkakaibigan ay nagsama sa iisang kwarto asahan mong aapaw talaga ang katatawanan at mga tuksuhan. Ito nga ang nangyari sa panibagong ‘AngBeKi’ vlog na ibinahagi ni Kim sa kanyang YouTube channel nitong October 10.

Credit: Kim Chiu Instagram         

Ang ‘AngBeKi’ ay bansag ng magkakaibigang Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu sa kanilang samahan.

Kamakailan lamang ng magbakasyon ang tatlong artista sa Subic, Zambales para ipagdiwang ang kanilang ikatlong anibersaryo bilang magkaibigan.

Credit: Kim Chiu Instagram

Sa ikalawang video nga na ibinahagi ni Kim ay mapapanood ang pagkukulitan at pagtutuksuhan ng AngBeKi.

Habang naghahanda ng kanilang agahan ay naisip ng AngBeKi na subukan ang sikat na video challenge na ‘totoprahin o jojowain’.

Credit: Kim Chiu Instagram

Hindi lang Pinoy celebs ang pinagpilian ng AngBeKi kung hindi kasama na rin ang mga sikat na hollywood artist at Korean actors.

Ilan sa mga hollywood actor na pinagpilian ng AngBeKi ay sina Bradley Cooper, Ryan Gosling at Zac Efron.

Credit: Kim Chiu YouTube

Sa listahan naman ng Korean oppas ay nagkasundo ang AngBeKi na jojowain nila si ‘Crash Landing On You’ star Hyun Bin.

Mas naging exciting ang challenge ng magkakaibigan nang Pinoy actors naman ang kanilang pinagpilian.

Sa vlog, ay hindi nakaligtas si Bela sa panunukso ng kanyang mga kaibigan nang nasama sa listahan ang na-link sa kanya noon na si Kapamilya heartthrob Zanjoe Marudo.

Credit: Zanjoe Marudo Instagram

Tila duda sina Angelica at Kim sa sagot ng kaibigan nang pinili nitong tropahin si Zanjoe.

Reaksyon ni Angelica sa sagot ni Bela, “Mamsh, honest tayo, mamsh”

Agad naman na tugon ni Bela, “Mamsh, hindi na nga nag-work diba?”

Credit: Kim Chiu YouTube

Saad naman ni Kim, “Laro lang naman ‘to, hindi naman ‘to totoo.”

Biro naman ni Angelica, “Laro lang! Ikaw pine-personal mo [Bela] eh.”

Samantala, dinaan naman ni Angelica sa biro ang kanyang sagot nang tanungin siya kung jojowain o totropahin niya ang dating kasintahan na si John Lloyd Cruz.

Credit: @johnlloydcruztm Instagram

May reaksyon kasi si Angelica sa paliwanag ni Bela kung bakit niya totropahin si John Lloyd. Ani Bela, “Sa ugali niya [John Lloyd] ngayon, kung nasaan siya ngayon, totropahin.”

Credit: Kim Chiu YouTube

Reaksyon ni Angelica, “Ba’t nasaan ba siya ngayon? Nahanap na ba siya?”

Mensahe pa ni Angelica kay John Lloyd, “Kung nahanap ka na baka naman pwedeng magparamdam ka at magpaalam ka man lang one last time.”

Credit: Kim Chiu Instagram

Dagdag ng aktres, “Alam mo sa picture na niya ‘yan jojowain kaya lang hindi ko na talaga kayang jowain ‘yan eh.”

Sa huling bahagi ng challenge, ay naghanap ng random picture ng isang lalaki sa internet ang magkakaibigan na kanilang ‘jojowain’ o ‘totropahin’.

Credit: Kim Chiu YouTube

Nabuo ang pagkakaibigan ng AngBeKi taong 2017 nang mag-gate crash sina Kim at Bela sa birthday party ni Direk Andoy Ranay kung saan ay imbitado naman si Angelica.