Angelica Panganiban, nagbigay na ng pahayag nang tanungin tungkol sa ex-boyfriend na si Carlo Aquino na isa nang ama

“I’m sure masayang-masaya siya…masayang-masaya sila.”

Credit: Angelica Panganiban Instagram      

Ito ang naging tugon ni Kapamilya actress Angelica Panganiban nang tanungin siya patungkol sa balita na isa nang bagong ama ang kanyang dating kasintahan na si Carlo Aquino.

Credit: Carlo Aquino Instagram

Binati ni Angelica si Carlo sa pagiging isang ganap na ama nito. Dagdag pa ng aktres, ang mahalaga raw ay masaya ang dating kasintahan.

Credit: Carlo Aquino Instagram

Aniya, “And ‘yun naman dapat ‘yon, ‘di ba? Importante ‘yung happiness ng mga tao. Good! Congratulations.”

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Carlo sa Instagram ang larawan ng anak niya sa non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza na pinangalanan nilang Enola Mithi.

Credit: Carlo Aquino Instagram

Matatandaang anim na taon rin ang itinagal ng relasyon ni Angelica at Carlo.

Hinahangaan si Angelica ng mga tao dahil sa kabila ng mga pinagdaanan niyang sakit mula sa mga dating relasyon ay nananatili pa rin siyang masaya at matatag sa buhay. Kahit na nasaktan si Angelica ay pinili niya pa rin na maging positibo sa buhay.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Sa katunayan, napagtanto ni Angelica sa panahon ng [email protected] na kaya niya palang maging masaya kahit na mag-isa siya.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

“Natutuwa naman ako kasi parang natutong akong mag-control. Tsaka mapapansin mo, kaya mo naman pa lang mag-isa. Okay ka naman pala. Ikaw ‘yung magluluto for yourself… Nakaka-survive naman. So parang nakikita mo nga rin na, ‘ay okay na ako, strong na ako’. May mga nami-miss ka lang kapag nagk-kdrama pero survivor Philippines pa naman po ako,” kwento ni Angelica sa online show ni Kapamilya actress-host Toni Gonzaga na “I Feel U”.

Samantala, kilalang takbuhan si Angelica ng mga gustong maka-move on o hirap maka-move on mula sa mga kasintahan nila na s!naktan o niloko sila.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Ito nga ang dahilan kung bakit inilunsad ni Angelica ang kanyang upcoming online show na “Ask Angelica” na mapapanood na sa iba’t ibang Star Cinema digital platfrom simula ngayong September 25, 2020.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Sa show ay magbibigay ng mga payo si Angelica patungkol sa mga problema ng ilang Pinoy sa pag-ibig at buhay. Ibabahagi rin ni Angelica ang kanyang karanasan sa pag-ibig at paano niya nalampasan ang yugto ng kanyang buhay kung saan ay lubos talaga siyang nasaktan.