Angelica Panganiban, sinabing ang boyfriend niya ngayon ang nagbigay kasagutan sa kanyang mga “bakit” noon

Wala ng mas itatamis pa para kay Angelica Panganiban nang sa wakas ay nahanap at nakapiling na niya ang kanyang true love.

Credit: @iamangelicap Instagram

Mula pa man noon ay kilala na si Angelica Panganiban bilang isang sikat na aktres. Sa murang edad ay pumasok na siya sa industriya ng showbiz hanggang sa siya’y nadiskubre at sumikat nang tuluyan.

Talagang “angelic” ang angking kagandahan ni Angelica kung kaya’t ganoon na lamang karami ang mga lalaking nahuhumaling sa kanya. Maliban dito ay hindi rin maitatanggi ang talento ni Angelica pagdating sa pag-arte na siyang naging daan niya upang makatanggap ng maraming proyekto na talagang pumatok sa mga manonood.

Credit: @iamangelicap Instagram

Sa kabila ng pagkakahalintulad ni Angelica sa “perfection” ay nakaranas pa rin siya ng paghihirap sa buhay na talagang dumur0g sa kanyang mabuting puso. Matapos ang ilang bigong pag-ibig sa kanyang dating mga kasintahan ay sa wakas nahanap na rin ni Angelica ang lalaking talagang magpapasaya sa kanya.

Credit: @iamangelicap Instagram

Nang inanunsyo ng aktres ang kanyang relationship sa non-showbiz na boyfriend na si Gregg Homan noong New Year’s Day ngayong taon ay abot-langit ang kasiyahan ng kanyang mga fans.

Martes, September 7 nang nagdiwang si Gregg ng kanyang kaarawan kung saan ay may sweet na mensahe si Angelica para sa kanya. Sa Instagram ay nagbahagi ng “adorable” na mga larawan si Angelica na siyang kinagiliwan ng mga netizens.

Credit: @iamangelicap Instagram

Ayon kay Angelica, si Gregg umano ang nagbigay-linaw sa lahat ng mga bagay na hindi niya mawari noon.

“Sa hindi inaakalang pagkakataon, ngunit tinakda ng panahon, nakilala ko ang isang tao na nag bigay kasagutan sa lahat ng bakit ko noon,” pahayag ni Angelica sa kanyang caption.

Credit: @iamangelicap Instagram

Pagbati pa ng aktres, “Maligayang bati sa’yong kaarawan mahal ko. Araw araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin.”

Binati naman si Gregg ng mga kapwa celebrities at iilang kaibigan ni Angelica sa showbiz. Ayon kay Angel Locsin, masaya umano siya para sa kaibigan.

“Masaya ako for you ganda❤️” komento ni Angel at binati ng, “Happy birthday!” sa boyfriend ni Angelica.

Credit: @iamangelicap Instagram

“Enjoy your special day, kuya @gregg_homan KUYA?!?! 😂” pagbati naman ni Bela Padilla.

“Happy birthday Gregg🎂” sabi ni Isabel Oli-Prats.

Katulad ng mga fans ni Angelica ay hindi rin napigilan ni Barbie Imperial na makaramdam ng kilig sa mensahe ni Angelica para sa boyfriend.

Credit: @iamangelicap Instagram

“Kinikilig ako,” komento ni Barbie.

Nanggaling man sa masalimuot na nakaraan at [email protected] man ang puso nang paulit-ulit dahil sa mga bigong relasyon ay hindi naman ito naging hadlang para kay Angelica na magmahal ulit. Sa katunayan ay pinatatag pa nga siya nito at ngayon ay masaya na sa piling ni Gregg.