Angeline Quinto at non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina, engaged na!

Engaged na ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto sa non-showbiz nitong boyfriend na si Nonrev Daquina. Ayon sa website na PUSH.com, nabanggit ng aktres ang engagement nito sa kanyang show sa United States nang batiin nito ang mother ng kaniyang boyfriend na kasama sa audience na nanonood ng kanyang concert.

Credit: @loveangelinequinto Instagram

“Espesyal ang gabing ito ngayon for me, para sa akin dahil nandito po sa audience ang soon-to-be-mother-in-law ko. Ang nanay po ng aking fiance ay nandiyan,” banggit nito sa manonood.

Naging usap-usapan noon pa man ang isang larawan ni Angeline, kasama ang anak at ang boyfriend nito sa kaniyang instagram na may suot itong sing-sing na tila engagement ring.

Credit: @loveangelinequinto Instagram

May mga post din si Angeline patungkol sa bagong yugto ng kaniyang buhay. Ilan sa mga larawan na pinost ng singer ay may nakasulat na “It’s time to write a new story” at ang pagiging fiance at fiancee mula sa pagiging mag boyfriend at mag girlfriend ng mga ito.

2020 nang magsimula ang relasyong ni Angeline at Nonrev at kamakailan lamang ay masaya nilang sinalubong ang first baby nila na si Sylvio. Ang pangalan nito ay galing umano sa adoptive mother ni Angeline na si Mama Bob, na ang tunay na pangalan ay Slyvia. Pumanaw ang Mama Bob ni Angeline noong November 2020.

Credit: @loveangelinequinto Instagram

Nabanggit noon ni Angeline na wala pa muna silang plano na magpakasal ng kanyang boyfriend sa kadahilanang, gusto ng dalawa na mag-focus muna sa kanilang anak.

“Kapag kasal, ibang usapan na ‘yun. Gusto ko ‘yung tamang proseso at paghahanda para sa kasal. Sana iyon muna. Ngayon ang pinaka-priority ang bata. Sa future, kung ikakasal kami, siyempre magpapasalamat ako,” sabi nito.

Sa ngayon, patuloy na nililibot ni Angeline ang Canada at United States para sa kaniyang matagumpay na 10Q concert. Ito ay pagpapatuloy ng selebrasyon ng kaniyang ika-10 taon sa showbiz. Sa isang interview ng singer, nabanggit nito na excited siya na muling makapag-perform sa mga taga-suporta niya abroad.

Credit: @loveangelinequinto Instagram

“I am very excited that I get to go on tour again abroad and sing for our kababayans in the US and Canada. The overseas Filipino community has been an important part of my career and I want to personally thank them for the love they have given me these past 10 years,” sabi nito.