Angeline Quinto, ipinakita na rin sa publiko ang mukha ng Daddy sa kanyang magiging anak!

Matatandaan sa mga nakaraang interviews ni Angeline Quinto ang pag-amin niya na wala pala sa showbiz ang lalaking kasalukuyang nagpapasaya sa kanya kaya naman ganoon na lamang ka-intense ang kuryosidad ng karamihan sa identity ng kanyang boyfriend.

Credit: @loveangelinequinto Instagram

Sa bawat araw at buwang lumilipas na pagpapanatili ni Angeline na gawing pribadong ang relationship nila ng kanyang non-showbiz na boyfriend, mas lalo lamang na nacu-curious ang fans ng tanyag na Pinay singer. Matapos ang mahaba-habang panahon na paghihintay, sa wakas ay ni-reveal na rin ng singer ang mukha ng kanyang partner!

Sa Instagram, ibinahagi ni Angeline ang mga larawang kuha sa ginawa niyang maternity shoot kung saan ay kasama niya ang kanyang partner at ang Daddy sa magiging anak.

Makikita sa larawang ibinahagi ng 32 taong gulang na singer na pareho silang nakasuot ng kulay black na damit ng boyfriend at sobrang sweet din tingnan dahil sa magkalapit nilang mukha at magkadikit na noo.

Credit: @loveangelinequinto Instagram

Of course, dahil ito ang pinakaunang pagkakataon na nagbahagi ang singer ng larawan kasama ang kanyang misteryosong boyfie sa social media, hindi napigilan ng kanyang kapwa celebrities na matuwa para kay Angge. Iilan na nga sa nagpahayag ng kanilang kasiyahan ay sina Francine Diaz, Luis Manzano, K Brosas, Geneva Cruz, at ang komedyanteng si Bayani Agbayani.

Sa caption, hinikayat ni Angge na manood ang lahat sa kanyang vlog na pinamagatan niyang “Who Knows Me Better” at ipinasilip din ang BTS sa ginanap na maternity shoot kung saan mas matutunghayan ang iba pang sweet na moments nila ng partner na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin pinapangalanan.

Sa isa namang hiwalay na post ng singer, ipinahayag niya ang kanyang masayang pakiramdam dulot ng magagandang bagay na nangyayari sa kanyang buhay ngayon lalo na’t ilang buwan na lamang at isisilang na niya ang kanyang baby.

Credit: @loveangelinequinto Instagram

“My Maternity shoot🤗 Napakasarap sa pakiramdam na maranasan lahat ito. Lalo kasama ang mga taong malapit sa puso ko. Walang katumbas na kasiyahan ang nararamdaman ko habang ginagawa namin lahat ito. 👶🤗,” ayon kay Angge.

Ngayon na ni-reveal na ni Angeline ang lalaking nasa likod ng kanyang magagandang ngiti, mayroong iba’t-ibang positibong opinyon at komento ang kanyang fans pero iisa lamang ang nangingibabaw sa lahat at ito ay ang kagwapuhang taglay ng boyfriend ng singer.

Credit: @loveangelinequinto Instagram

Pasado ba sa standard ng kanyang fans? Oo naman! Pero para kay Angeline na soon-to-be Momshie na, talagang pasok na pasok sa kanyang standards ang partner!