Angeline Quinto, kinumpirmang nagdadalang tao siya sa anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend!

Congratulations, Angeline!

Credit: @loveangelinequinto Instagram

Isang blessing ang pagdating ng baby sa buhay ng kanilang mga magulang at kahit na’y gusto muna itong ilihim sa iba, talagang may paraan sa pagkalat ang magandang balita!

Ang talento ni Angeline Quinto sa pagkanta ang nagbigay sa kanya ng daan sa showbiz nang nanalo sa “Star Power” noong 2011. Sa ilang taon niyang pananatili sa showbiz, nakatanggap din siya ng opportunities maliban sa kanyang forte kung saan ay sumabak siya sa pag-arte kasama ang iilang sikat na artista sa industriya.

Parehong mahusay sa pagkanta at acting, nagawa ni Angeline na manatili sa tuktok ng kanyang karera bilang isang multi-talented na celebrity.

Credit: @loveangelinequinto Instagram

Kalakip ng kasikatan ni Angeline ay ang pagiging open niya sa publiko kahit na’y nasa likod ng kamera. Pamilya o buhay pag-ibig man, patuloy siyang sinusubaybayan ng kanyang fans ngunit nito lamang nakaraang taon nang napagdesisyunan niyang panatilihing sikreto ang identity ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Pribado man ngayon sa kanyang love life, tuwang-tuwa pa rin ang kanyang fans nang napansin kung gaano kasaya ngayon ang kanilang idolo sa piling ng boyfriend nito.

Credit: @loveangelinequinto Instagram

Nito lamang November nang may isang Tiktok video na nag-viral na kuha sa concert ng tinaguriang Power Diva na 10Q kung saan ay may mga pagpapahiwatig ang may-ari ng nasabing video na buntis umano si Angeline.

Huwebes, November 9 nang napag-usapan ni Ogie Diaz at ng kanyang co-host na si Mama Loi sa kanilang YouTube Channel na “Showbiz Update” ang rumors tungkol sa pagbubuntis ni Angeline Quinto.

Ayon naman kay Ogie, “Ako naman, nasagap ko… dadagdagan ko ng dalawang buwan, five months!”

Credit: @loveangelinequinto Instagram

Sa isang kaibigan umano na nagkataon ring kaibigan ng Power Diva nalaman ni Ogie na buntis daw talaga si Angeline.

“Kasi may common friend kami ni Angeline. Nag-chika sa aking five months ng preggy sa isang non-showbiz at lalaki ang first baby,” saad ni Ogie.

Hindi naman napigilan ni Mama Loi na masurpresa nang marinig mula kay Ogie na totoo nga pala talaga ang rumors na pregnant si Angeline!

Credit: @loveangelinequinto Instagram

“Sana totoo,” sabi ni Mama Loi.

“Anong ‘sana totoo?’ Totoo nga!” Sagot naman ni Ogie.

Ngayon na magkakaroon na ng sariling pamilya si Angeline, excited ngayon ang kanyang fans na makita siya bilang isang Mommy!

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng one-on-one interview si Angeline Quinto kay Boy Abunda. Dito ay personal na kinumpirma ni Angeline ang kanyang pagdadalang-tao at mga detalye tungkol sa relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.