Angelu de Leon, masaya sa maayos na relasyon niya sa kanyang ex-boyfriend na si Joko Diaz

Sa isang panayam ni Angelu de Leon, nabanggit nito ang kaniyang magandang relasyon sa kaniyang anak na si Nicole at ang relasyon sa ama nito na si Joko Diaz.

Credit: @angeludeleonrivera Instagram

Ayon sa panayam ni Angelu, maganda ang relasyon ng anak niyang si Nicole sa kaniyang ama na si Joko Diaz. Nabanggit ng aktres na hinahayaan na rin niya ang anak na makipag usap dito.

“Binigyan ko na siya ng liberty to get in touch with Joko. Kumbaga, sila na, wala na ako dun. Hindi ko na pinapakialaman,” banggit ni Angelu.

“Pinapaalam lang niya sa akin kung magkikita o mag-uusap sila. Yun lang, hindi na ako nakialam. Nagkukuwento naman siya, e. Happy na ako dun. Saka labas na ako dun,” dagdag pa nito.

Naging ‘solo parent’ ang aktres sa anak nitong si Nicole at hindi naman niya pinilit na magsustento ang ama ng kaniyang anak na si Joko.

Credit: @akosijokodiaz Instagram

“He gives what he can give,” saad nito.

Sa kaniyang panayam din nabanggit nito na mataas umano ang respeto nila sa isa’t isa. Kapag nagkikita umano sina Angelu at Joko ay ‘very civil’ lang.

“Sabi ko nga, wala naman akong kaaway. Respeto na lang, di ba? Respeto na lang din. I don’t demand. Iniintindi ko na lang. May mga bagay na hindi na kailangan ng explanation. Kailangan ko na lang intindihin for your peace of mind and for my children,” masayang pagkabanggit ni Angelu.

Laking pasasalamat naman nito sa kaniyang asawa na si Wowie Rivera sa suporta nito. Lalo na sa panahon na pumasok ito sa politika.

Credit: @angeludeleonrivera Instagram

“He is my God’s gift. Kasi talagang the support is there. The partnership is there, the love is there,” saad nito.

Sa ngayon, nakafocus si Angelu sa mga responsibiladad nito sa Pasig bilang konsehal. Hindi muna raw ito tatanggap ng kahit anong TV projects pero kung mga game shows at guesting ay may posibilidad na makalahok ito.

Credit: @angeludeleonrivera Instagram

Inamin nito na malaki pa rin ang posibilidad na makabalik ito bilang aktres dahil nasa dugo na niya umano ito at hindi na ito mawawala sa kaniya.