Angking natural na ganda ni Kaye Abad, hinangaan ng mga netizen pati na rin mga kapwa artista

Nakilala noong kabataan niya si Kaye Abad dahil sa kanyang magaling na pagganap sa kanyang mga pinagbidahang teleserye. Kasama na rito ang sikat na Tabing Ilog, Gimik, Ang TV at marami pang iba.

Credit: @kaye_abad Instagram

Ngayon ay masaya nang namumuhay si Kaye bilang maybahay ng dating PBB housemate na si Paul Jake Castillo at ina sa dalawang cute na mga chikiting. Hindi man nakikita ngayon sa telebisyon si Kaye ay muli niyang pinahanga ang kanyang fans at mga katrabaho sa showbiz.

Kamakailan lang ay nagpost si Kaye ng isang video kung saan ay litaw ang kanyang angking natural na ganda at tila ay hindi tumatanda ang itsura. Kung titignan ang video ay hindi mo aakalaing tutungtong na sa edad na 40 ang aktres.

Sa kanyang post ay sinabi ni Kaye na ngayon na lamang siya ulit nakapagmake-up pagkatapos ng dalawang taon.

“ngayon lang ako nakapag pa make up ulit ng ganito after 2yrs,” caption ng aktres sa kanyang Instagram post.

Credit: @kaye_abad Instagram

Sa kanyang post ay humakot ng papuri ang aktres mula sa kanyang mga kaibigan at katrabaho sa showbiz.

“Beautiful 👏” pagpuri ni Mariel Padilla.

“Walang kupas,” komento ni Melai Francisco.

Maging si Pauleen Luna Sotto ay napa-w0w sa ganda ni Kaye, “PAKA GANDA MO MARS!”

Credit: @kaye_abad Instagram

Maging ang ilang mga netizen ay hindi napigilang ibahagi ang paghanga sa aktres. Sinabi nila na si Kaye ay isa sa mga may magagandang mukha sa showbiz na talaga namang pinay na pinay ang beauty.

September 2 noong nakaraang taon ipinanganak ni Kaye ang pangalawang baby boy nila ni Paul Jake na pinangalanan nilang si Inigo Leon. Ilang buwan pagkatapos manganak ay halos hindi mo mahahalatang kakaluwal lang ni Kaye. Sa kanyang mga letrato ay makikita ang pagbabalik ng magandang pangangatawan ni Kaye.

Maraming fans ni Kaye ang nag-aabang ngayon kung ano ang magiging susunod na proyekto ng aktres at kung kelan nila muli makikita ang aktres sa telebisyon at sa mga pelikula.