Marami ang nasorpresa nang ibahagi ng 23-taong gulang na Kapuso actress na si Anna Vicente na nagdadalang-tao siya at kambal ang kanyang ipinagbubuntis noong nakaraang buwan.
Credit: @itsannavicente Instagram
Sa isang Instagram post, proud na ipinakita ni Anna noon ang kanyang malaki nang tiyan. Sinabi rin niya noong “best journey” ng kanyang buhay ang pagpasok niya sa motherhood.
“From the moment I found out I was pregnant, I knew that this would be the best journey of my life. I’m so excited to share this good news with all of you!! Yes, I am growing two little angels and they are ready to say hello this 2022!” caption ni Anna sa kanyang maternity photos.
At ngayong buwan ng Pebrero ay naging ganap na ina na nga si Anna. Iniluwal ni Anna ang kambal nila ng kanyang non-showbiz partner na si Paolo Mercado nito lamang Pebrero 23 via emergency c@esarean.
Sa isang Instagram post, masayang ipinakilala ni Anna sa maraming netizens ang kanilang kambal.
Credit: @itsannavicente Instagram
“Surprise! Here they finally are! My biggest blessings came earlier than expected. They were excited to go out so i had to be on Emergency CS last night. Everything went by really really fast. All was blurred and shaky but the kaba was worth It when i heard them cried for the first time, when I first held them in my arms. the best feeling ever! I never knew I could love someone so much that it hurts ( in a good way )”
Credit: @itsannavicente Instagram
Nagpasalamat din si Anna sa mga taong nagdasal para sa ligtas na panganganak niya.
“Thank you for all of your prayers and positive energy,” aniya.
“Huge thank you also to the delivery staff of MMC for taking such good care of me and my little family. To God be the glory,” dagdag pa niya.
Credit: @itsannavicente Instagram
Matatandaang isa si Anna sa ipinakilalang bagong Kapuso star noong 2021 kung saan una siyang lumabas sa drama series na “Ang Dalawang Ikaw” kasama ang mag-on-screen partners na sina Ken Chan at Rita Daniela.