Anne Curtis at Erwan Heaussaff, nagbakasyon sa isang lugar sa Australia kasama ang kanilang anak na si Dahlia Amélie

Sa gitna ng p@ndemya, ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heaussaff ay nagbakasyon kasama ang kanilang anak na si Dahlia Amélie sa isang lugar sa Australia upang makahanap ng kapayapaan at pagnilayan ang mga aral na itinuro sa kanila ng p@ndemya.

Credit: Anne Curtis Instagram    

Isang video ng kanilang bakasyon ang ibinahagi ni Anne sa kanyang Instagram na kinunan ni Erwan.
May caption itong, “My peace amidst the cha0s 🤍”

Credit: Anne Curtis Instagram

Highlight sa video ang simpleng buhay nilang magpamilya habang nakatira lamang sa isang maliit na bahay sa gitna ng isang mapayapang lugar.

Tampok din sa video ang mother-and-daughter bonding nina Anne at Dahlia Amélie habang ini-enjoy ang katahimikan at kagandahan ng lugar na kanilang pinuntahan.

Credit: Anne Curtis Instagram

Sa video ay maririnig naman si Erwan na nagkukuwento tungkol sa mga bagay na “hinahangad” niyang maramdaman sa taong ito.

Bilang mahilig mag-travel at maghanap ng adventure, para kay Erwan “driving is therapeutic”.

Ani Erwan, “Driving is therapeutic — zone out and find a place of absolute focus. You’re both in the moment yet your mind is excited about the destination.”

Credit: Anne Curtis Instagram

Dagdag niya, “Those are the emotions that I longed for this year, being in control of your own isolation, you know.”

Sunod na maririnig sa background ang boses ni Anne. Tinanong ni Erwan si Anne kung ano ang mga bagay na pinaka-namiss nitong gawin ngayong taon.

“Just being outside,” pagsisimula ni Anne.

Credit: Anne Curtis Instagram

Dagdag niya, “I feel like we’ve taken so many things for granted over the years — going into the woods, dipping my toes in a cold river, falling asleep under the stars and just the idea of belonging to something bigger than us. Waking up with nothing to do for the day.”

Credit: Anne Curtis Instagram

Habang nagpe-play naman ang video clip nilang dalawa ni Dahlia Amélie, ikwenento ni Anne ang mga bagay na itinuro sa kanila ni Dahlia Amélie simula nang dumating ito sa kanilang buhay.

Ani Anne, “”She has really taught us to slow down and appreciate what’s around us and be grateful for what we have.”

Sa huli ay sinabi ni Erwan, “Through her we kind of get to experience it all again. We really need to do better for the little one.”

Sa panahong isinusulat ito, mahigit 800K na ang nakuhang views ng video na inupload ni Anne sa kanyang Instragram.