Anne Curtis at Solenn Heussaff, ni-launch ang kanilang kauna-unahang baby clothing brand na Tili Dahli!

‘Goals’ pagdating sa pagiging mommy ang mag-bestfriend at mag-sister-in-law na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Kahanga-hanga nga ang pagiging hands-on mom nina Solenn at Anne na kilala bilang mga certified ‘It Girl’.

Ngayon nga ay mas pokus sa pagiging nanay sina Solenn at Anne. Kamakailan ay ni-launch nilang magkaibigan ang kauna-unahan nilang baby clothing brand na inspired sa kanilang cute babies!

Credit: @dahliaamelieee Instagram

Sa kani-kanilang Instagram account ay inanunsyo nina Solenn at Anne ang kanilang newest clothing brand na ‘Tili Dahli’ kung saan ay napaka-special para sa kanilang dalawa dahil nabuo umano ito mula sa kanilang pagmamahal para sa kanilang ‘baby girls’. Hinango ang pangalang ‘Tili Dahli’ sa pinagsamang pangalan ni Thylane Katana (anak ni Solenn) o mas kilala ng lahat sa kanyang palayaw na ‘Tili’ at ‘Dahli’ naman mula sa pangalan ni Dahlia Amelie (anak ni Anne).

Credit: @annecurtissmith Instagram

Noong June 23 ay opisyal na inilunsad nina Solenn at Anne ang kanilang binuong clothing brand. Siyempre, kabilang sa kanilang modelo ay ang kanilang mga anak.

Ipinost nina Anne at Solenn ang ilang letrato nina Tili at Dahlia suot ang ilang baby clothes na produkto ng Tili Dahli.

Ani Solenn, “We present to you Tili Dahli. Another baby of ours rooted upon the strength of motherhood and growth of our children. We wanted to create these clothes to provide comfortable play and allow our little bubs to be wild at heart as they please. Our first collection is 100% organic cotton and GOTs certified. Looking forward to keep surprising you guys with fun designs as we grow little by little one baby step at a time. Much love from our little team of women.”

Credit: @dahliaamelieee Instagram

Sina Tili at Dahlia ay kapwa 1-taong gulang pa lamang ngunit kabilang na sila sa mga celebrity kid na sikat na sikat ngayon sa social media.

Marami ang natutuwa sa closeness nina Tili at Dahlia bilang magpinsan. At ngayong panahon ng qu@rantine ay naging ka-bonding nga nila ang isa’t isa.

Madalas ay napapangiti nina Tili at Dahlia ang kanilang followers sa social media dahil sa kanilang nakakatuwang bonding moments.

Credit: @dahliaamelieee Instagram

Kabilang nga rito ang ibinahagi kamakailan ng kanilang mga magulang kung saan ay mapapanood ang masayang paglalaro nilang magpinsan habang nakaupo sa isang hagdan. Makikita sa video ang napaka-sweet at napakalambing na si Dahlia na hindi nag-alinlangan na painumin ang kanyang pinsan sa lalagyanan niya ng tubig.

Credit: @dahliaamelieee Instagram

Samantala, hindi lamang magpinsan kundi mag-bestfriend at ‘magkaklase’ rin sina Thylane at Dahlia. Bukod kasi sa nasabing video ng sweet moments nilang magpinsan, makikita rin sa isa pa nilang letrato ang masaya nilang pagbabasa ng mga children’s book at paglalaro ng color pencils.