Anne Curtis, game na game na ginawa ang challenge ng asawang si Erwan Heussaff at ipinamalas ang husay sa pagluluto!

Nakilala ng marami ang mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff dahil sa kanyang talento sa paggawa ng travel vlogs at cooking videos.

Credit: FEATR YouTube

Sa ngayon, patuloy na tumataas ang bilang ng subscriber ni Erwan sa kanyang sinimulang YouTube channel na ‘FEATR’ kung saan ay ibinibida niya ang kanyang pagiging malikhain at husay sa pagluluto.

Isa naman sa mga inaabangan ng mga netizen ay ang paggi-guest ni Anne sa mga video ni Erwan. At nito ngang nakaraang May 23, muling napanood si Anne sa panibagong cooking video ni Erwan kung saan ay hindi lamang siya tagatikim kundi siya mismo ang magluluto.

Credit: FEATR YouTube

Ngunit may challenge ang pagluluto ni Anne at ito ay tuturuan siya ni Erwan kung paano lutuin ang ilang sikat na TikTok recipe habang nakapiring ang mga mata. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mas malawak ang kaalaman ni Erwan kaysa kay Anne kaya naman magsisilbing instructor siya nito sa pagluluto.

Ani Erwan, “Today it’s going to be very different because Anne…is going to have to cook the dishes. I for one will not cook anything and I will be sitting next to her with a blindfold solely giving her instructions.”

Unang pagkain na niluto ni Anne ay Feta Pasta kung saan ay nakatanggap siya ng papuri mula kay Erwan. Kahit kasi hindi nakikita ni Erwan ang ginagawa ni Anne, nagawa naman nito ng maayos ang mga instruction na sinabi niya. At dahil pasado sa kanyang panlasa ang niluto ni Anne kaya naman para kay Erwan, ‘good job’ ang ginawa nito.

Credit: FEATR YouTube

Isa pang sikat na dish na niluto ni Anne ay Tuna Onigiri. Makikitang medyo nahirapan si Anne sa pagluluto ng nasabing dish ngunit sa huli ay napagtagumpayan naman niya itong gawin. Matapos namang tikman ni Erwan ang niluto ni Anne, binigyan niya ito ng rate na 7 out of 10.

Komento pa ni Erwan, “It’s not bad. The only issue I have with it is that the tuna was splitting out…”
Sa huli sabi ni Erwan, “Not bad. I’m impressed.”

Samantala, matapos nilang gawin ang challenge, masasabi ni Erwan na posibleng magluto ng masarap at masustanyang pagkain ang isang tao kapag mayroon lamang tamang mga sangkap at instruction.

Credit: FEATR YouTube

Ani Erwan, “I think today proves something really important. You can make really good food and healthy food if you have the right ingredients and if you have the right instructions.”

Giit pa ni Erwan, “Cooking for yourself doesn’t have to be complicated.”

At tulad ng inaasahan ay naghatid ng aliw ang cooking video nina Erwan at Anne sa maraming netizens.

Credit: FEATR YouTube

Habang isinusulat ang artikulong ito, umani na ng 1.7 million views ang kanilang video.