Anne Curtis, hindi nakaiwas sa “meow” charm ng anak nitong si Dahlia!

Walang matapang na tao na hindi naaapektuhan sa iressistible na charms ng mga bata dahil tunay nga naman kasing kahit walang ginagawa, effortless nila tayong napapangiti at napapasaya at kapag nagpapaandar naman ng kabibohan, napapatawa at napapahagikhik naman nila tayo sa tuwa katulad na lamang ni Anne Curtis na halos hindi maka-get over sa “Meow moment” ng chikiting niyang si baby Dahlia Amélie!

Credit: @annecurtissmith Instagram

Nasa harap o likod man ng kamera, nananatiling transparent at walang halong kaplastikan talaga si Anne Curtis at dahil sa patuloy niyang pagpapasilip sa publiko ng kanyang personal na buhay, mas lalo lamang nating nasisiguro na isa talaga siyang nice at sweet na tao dahilan kung bakit napakaraming tao ang humahanga sa kanya lalo na ngayong isa na siyang Momshie.

Bagama’t busy man sa work, hindi naman kailanman nawalan ng atensyon at panahon si Anne sa kanyang pamilya dahil maayos naman niyang nababalanse ang kanyang oras at schedule. Sa katunayan, inamin ng aktres kumakailan lamang na sanay na sanay siya sa kanyang “Dahlia dose” kung saan ay sinisiguro ni Anne na may bonding moment sila ng anak sa bawat araw bago umalis papunta at pauwi galing sa trabaho.

Sa update ni Anne sa kanyang Instagram nito lamang ika-20 ng July, ibinahagi niya ang adorable na moment nila ni baby Dahlia kung saan ay mapapanood at maririnig ang paggaya niya sa boses ng isang pusa habang ibinibida ang hairstyle niyang pigtail.

“My little kitten 🐱,” pahayag ni Anne sa kanyang caption.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Katulad ng karamihan na naaliw din sa “Meow moment” ni baby Dahlia, inamin ni Momshie Anne na pati siya ay hindi naiwasang manggigil sa cuteness ng chikiting.

“I can’t deal with the meow-meow at the end,” panggigigil ni Momshie Anne.

Isa ang couple na si Anne at Erwan Heussaff sa mga sinusubaybayang pamilya sa mundo ng showbiz marahil ay dahil sa kanilang labis na kasikatan o sadyang napaka-adorable lamang nila lalo na ngayong may chikiting na sila na si baby Dahlia na mula pa man noon hanggang ngayon ay hindi kailanman nabigo sa pagbibigay ng kasiyahan dahil sa kanyang natural na kabibohan na talaga namang nakakapawi ng bad vibes.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Of course, hindi lamang si Anne ang nanggigigil sa cuteness ng anak dahil hindi rin nakaligtas ang netizens sa charms ni baby Dahlia dahil hanggang ngayon, tinatadtad at patuloy pa rin na pinupusuan ng karamihan ang “Meow moment” nito.