Anne Curtis, ibinahagi ang masayang paglalaro ng lutu-lutuan ni Dahlia Amelie kasama ang kapatid niyang si Jasmine Curtis-Smith

Masayang nakipaglaro ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith sa kanyang pamangkin na si Dahlia Amèlie, na anak ng kanyang kapatid na si Anne Curtis. Ibinahagi ng “It’s Showtime” host sa kanyang Instagram account ang isang video kung saan mapapanood ang masayang bonding time nina Dahlia at Jasmine sa bakuran ng kanilang bahay habang siya ay nagtatrabaho.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Ang kanyang Tita Jasmine muna ang naging kalaro ni Dahlia at hindi ang kanyang pinsan at number one playmate na si Tili, anak ng kapatid ni Erwan at matalik na kaibigan ni Anne na si Solenn Heussaff-Bolzico.

Nagsilbing playground ng mag-Tita ang iniregalong napakalaking kitchen playhouse ni Jasmine kay Dahlia noong unang kaarawan nito.

Enjoy na enjoy si Dahlia habang siya ay nag-ala chef tulad ng kanyang daddy na si Erwan Heussaff. Samantalang, si Jasmine naman ay game na game na maging playmate at makipaglaro ng lutu-lutuan kasama ang kanyang napaka-cute na pamangkin.

Credit: @annecurtissmith Instagram

At hindi man daw niya madalas ihayag sa social media ngunit labis-labis ang pasasalamat ni Anne sa kanyang kapatid dahil kapag sunod-sunod ang kanyang online meetings o kung abala siya sa trabaho ay palaging pumupunta si Jasmine sa kanila para makipaglaro kay Dahlia.

“#IDontSayThisEveryDayBut thank you to my sestra for being an amazing Tata. Whenever I have a day full of zoom meetings or one of the rare days I go out to work or may it be just any random day, I appreciate you coming to play house or lutulutuan and yes, even magic magic 😂 with Dahlia. Love you sestra @jascurtissmith,” ani Anne sa caption ng ipinost niyang video.

Ini-repost naman ni Jasmine sa kanyang Instagram story ang video na kinunan ni Anne at sinabi niyang “favorite role” niya ang pagiging tita at kalaro ni Dahlia.

Nagkomento rin si Jasmine sa Instagram post ni Anne at aniya, “I love you sestraaaaaa @annecurtissmith!!! Anytime and anything for you, always!”

Credit: @dahliaamelieee Instagram

Talagang sobrang sweet at isang mapagmahal na kapatid at tiyahin si Jasmine na makikita naman sa effort na kanyang ginagawa para matulungan si Anne sa pag-aalaga kay Dahlia.

Dahil dito ay pinuri ng maraming netizens ang pagiging mabuting kapatid ni Jasmine sa kanyang Ate Anne. Anila:

“aw indeed, sister and life goals queens!!!”

“I agree Tita is the best playmate ever!!!”

Credit: @annecurtissmith Instagram

“Aww! Super cute! Sisters are the best”