Hindi maipagkakailang ini-enjoy ngayon ng “It’s Showtime” host na si Anne Curtis ang kanyang pagiging mommy sa panganay na anak nila ni Erwan Heaussaff na si baby Dahlia Amèlie. Nasusubaybayan din ng mga netizen ang paglaki ni baby Dahlia dahil sa mga social media update ni Anne. Napakabilis naman talaga ng panahon dahil nito lamang January 2 ay 10 months old na si baby Dahlia.

Katulad naman ng nakagawian ni Anne tuwing sasapit ang araw ng kaarawan ni baby Dahlia ay naghanda siya ng isang floral number standee. Do-It-Yourself o si Anne mismo ang gumagawa ng mga floral number standee.

Isinilang ni Anne si baby Dahlia noong March 2, 2020. Kaya naman tuwing ika-2 ng buwan ay naghahanda si Anne para markahan ang panibagong milestone ni baby Dahlia.
Karaniwan nang nagsasagawa ng birthday photo shoot si Anne kung saan ay binibihisan niya si baby Dahlia at kinukuhanan ng litrato katabi ng floral number standee.
Ipinost ni Anne sa kanyang Instagram ang litrato ni baby Dahlia na todo ngiti katabi ang isang number 10 floral standee.

“10 months of rainbows and sunshine with our little Dahlia Amélie. 🌈☀️,” caption ni Anne sa litrato ni baby Dahlia.
Dagdag niya, “P.S – We do get the occasional storm as well ⛈😂”

Samantala, ibinahagi naman ni Anne ang isang video kung saan ay mapapanood ang behind-the-scene ng ginawa nilang birthday pictorial.
Dahil nga lumalaki na si baby Dahlia kaya naman nagiging mahirap na para kay Anne na kuhanan ng litrato si baby Dahlia.

Kagaya ng ibang bata ay natural ang pagiging “curious” at malikot ni baby Dahlia. Makikita sa video ang cute at nakakagigil na reaksyon ni baby Dahlia matapos niyang itumba ang floral number standee na ginawa ng kanyang mommy.
“What it’s like shooting a 10 month old. Daming ganaps muna with this little doll. Wait for it. #Whoops #Lagot,” caption ni Anne sa video.
View this post on Instagram
Talagang maaaliw ka sa kakulitan ni baby Dahlia na kitang-kita sa video. Mapapanood din sa video ang mother-daughter bonding nina Anne at Dahlia.

Nakakamangha naman ang bilang ng nakapanood sa cute video ni baby Dahlia sa Instagram account ni Anne.
Sa panahong isinusulat ang artikulong ito, higit-kumulang 1.5 million na ang nakapanood ng video ni baby Dahlia.