Anne Curtis, ibinunyag kung magkano ang talent fee niya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz

Isa si Anne Curtis sa mga matagumpay na artista ngayon sa telebisyon. Sa kanyang mga blockbuster na pelikula, sold-out concert, TV shows, modelling project at maraming advertisements, tiyak na malaki ang kita ni Anne. Ngunit tulad ng iba ay nagsimula din si Anne sa ilalim, sa baba.

Credit: Anne Curtis Instagram    

Sa isang financial seminar na ginanap online at inorganisa ng Manulife Philippines, inamin ni Anne na maliit lamang ang kanyang talent fee noong nagsisimula pa lamang siya sa pag-aartista.

Kwento ni Anne, “I was fairly young. Ang talent fee ko P1,200.”

Credit: Anne Curtis Instagram

Bata pa nagsimula si Anne sa showbiz kaya naman ang kanyang mga magulang umano ang humahawak sa kanyang mga kinikita.

Ani Anne, “When I was 12, of course, I did not handle my finances at the time. My parents were the ones who were setting aside all of my savings.”

Credit: Anne Curtis Instagram

Nang tumungtong naman si Anne ng 18 at nasa legal na edad, ibinigay naman daw umano sa kanya ng kanyang mga magulang ang lahat ng kanyang kinita at naipon mula sa pag-arte.

Sinabi rin ni Anne na noong oras na ibinigay na sa kanya ng kanyang mga magulang ang kanyang pera ay alam na umano niya paano maayos na mahahawakan ito.

Credit: Anne Curtis Instagram

“It was only when they turned it over to me at the age of 18 that I really got to be hands-on with my own money and savings. But before they turned it over to me, they did teach me about the way of life and how to save…so that when they turned over my savings, I was prepared,” bahagi ni Anne.

Ibinunyag din ni Anne kung paano niya hinahawakan at ginagastos ang kanyang mga kinikita.

Credit: Anne Curtis Instagram

Saad ni Anne, “Siyempre when you have a quota, hindi mo dapat tinitipid yung sarili mo. You set a reasonable and attainable quota for yourself and once you reach that, that extra money that you have, that’s when you can spoil yourself a little bit more.”

Inihayag din ni Anne na binago ng pagiging ina ang paraan ng paghawak niya sa kanyang mga gastusin at pera.

Ani Anne, “When you become a little bit more mature, you realize that you really have to have a back-up plan, a business, because being in this industry will not be forever.”

Credit: Anne Curtis Instagram

“So how will [I] continue to provide for [myself] and [my] family?…I have to think [about] her future. Do I really need a pair of shoes, ‘di ba? Puwedeng kay Dahlia na lang. It’s really changed the way I handle my expenses and my savings,” ani Anne.

Credit: Anne Curtis Instagram

Si Anne ay kasalukuyan pa rin ngayong nananatili sa Melbourne, Australia kasama ang kanyang mister na si Erwan Heaussaff at ang kanilang 10 buwang gulang na anak na si Dahlia Amélie.