Hindi mapigilan ng aktres at first-time mom na si Anne Curtis na maging emosyonal ngayon na nagsisimula nang masanay ang kanyang anak na si Dahlia Amèlie na kumain ng pagkain bukod sa kanyang breastmilk.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Sa pagdiriwang ng World Breastfeeding Week ngayong buwan ng Agosto, ibinahagi ni Anne ang kanyang personal journey sa pagpapadde sa kanyang anak na si Dahlia.
Sa Instagram, nagbahagi si Anne ng ilang larawan niya na nagpapadéde kay Dahlia sa iba’t ibang lugar.
Ayon kay Anne, hindi naging madali ang kanyang breastfeeding journey bilang isang first time mom.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Gayunman, masasabi niyang isa itong hindi malilimutang karanasan na habambuhay niyang dadalhin.
“17 months of breastfeeding in some pretty random places. It wasn’t easy. I had my own struggles (let’s just say there was curling of toes & frozen cabbage involved -thanks mum) but it’s been an unforgettable first time journey so far. One I’ll always cherish,” ani Anne.
“All the little moments shared between her and I (hair pulling and biting included)” dagdag niya.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Inamin naman ni Anne na nakakaramdam siya ng lungkot ngayon na unti-unti nang tumitigil sa pagdéde ang kanilang baby.
Kwento pa ni Anne, unang napansin ng asawa niyang si Erwan Heussaff ang pagbabago ng kanyang emosyon sanhi ng unti-unting pagtigil ni Dahlia sa pagdéde.
Credit: @annecurtissmith Instagram
“But I also just want to share that there’s one thing I wasn’t aware of, that I kinda wish I knew – when I started dropping feeds (when food became her main source of nutrients) my hormones started changing and I was just very quiet and felt somewhat melancholic.. I didn’t really notice till erwan called me out. Did myself some reading and learned that it’s because of a drop of prolactin and oxytocin levels when you start to lessen feeds,” bahagi ni Anne.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Dagdag ni Anne, malaki ang naitulong ng unti-unti niyang pagtigil sa pagpapadéde kay Dahlia upang hindi biglaang magbago ang kanyang hormones. Pagbabahagi ni Anne, dalawa hanggang tatlong beses na lamang siya sa isang araw na nagpapadéde kay Dahlia ngayon.
Samantala, sa kabila ng mga hamon na naranasan niya habang nagpapadéde sa unang pagkakataon, sinabi ni Anne na tini-treasure niya ang bawat sandali ng kanyang breastfeeding journey.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Payo naman ni Anne para sa mga kapwa niya breastfeeding moms na may “personal struggles” din sa pagpapadéde, “You do you. You and your doctors will know what works for your little one and will keep them happy, busog and content.”
Ipinanganak ni Anne si Baby Dahlia Amèlie noong Marso 2, 2020 sa Australia.