Viral ngayon ang engaged celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez matapos ibahagi ng isang simbahan sa Facebook ang kanilang wedding bann.
Credit: @carlaangeline Instagram
Kabilang ang wedding bann nina Carla at Tom sa ipinost ng San Guillermo Parish sa Talisay sa kanilang Facebook page.
Makikita sa wedding bann ang detalye ng nalalapit na kasal ng Kapuso couple kasabay ng ilan pang ikakasal.
Mababasa sa wedding bann ng engaged couple ang kanilang tunay na pangalan at maging ang pangalan ng kanilang mga magulang.
Base naman sa kanilang wedding bann, ngayong darating na October 23 gaganapin ang kasal nina Carla at Tom sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.
Credit: SanGuillermoParish Facebook
Matapos mag-viral ang kanilang wedding bann, isang Instagram story naman ang ibinahagi ni Carla kung saan ay ipinaliwanag niya sa mga hindi nakakaalam ang kahalagahan ng nasabing wedding announcement.
Ani Carla, “Hello everyone! A WEDDING BANN is a Church Requirement for Catholics getting married in any and all Catholic Churches in the Philippines.”
Dagdag pa ni Carla, “It is a necessary step to be able to secure a Wedding Permit.”
Nilakipan pa ni Carla ang kanyang Instagram post ng mga depinisyon ng wedding bann.
Credit: @carlaangeline Instagram
Para sa mga hindi nakakaalam, ang wedding bann ay isang uri ng public announcement na ginagawa ng isang simbahan upang ipaalam sa lahat ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng dalawang tao.
Naglalabas din ng isang wedding bann ang simbahan para malaman ng lahat na ikakasal ang dalawang tao. Dagdag dito, kung may tutol man sa pag-iisang dibdib ng dalawang tao ay kaagad na malalaman bago pa man mangyari ang kanilang kasal.
Na-engage sina Carla at Tom noong nakaraang taon ngunit March ngayong taon lamang nila ito ibinahagi sa publiko.
Matatandaang mahigit 7 taon din na naging magkasintahan sina Carla at Tom bago nila inanunsyo ang kanilang engagement.
Credit: @carlaangeline Instagram
Samantala, inihayag naman ng maraming netizens ang kanilang pagbati para kina Carla at Tom.
“Congrats my two idol ms carla and tom best wishes goodluck to both of u and ur journey more blessings and kid gbu”
“These two are bagay. Sila ung couple na never mo nakitaan ng issue. Congrats”
“wishing you the best tom and karla am your avid fan love you guys god bless you always”