Arci Muñoz, sinorpresa ang isang tagahanga na isang PWD sa Siargao matapos niya itong personal na bisitahin

Kilala ang aktres na si Arci Muñoz bilang isang certified beach lover. Patunay dito ang madalas na pagbabakasyon ni Arci sa iba’t ibang beach destinations dito sa ating bansa.

Credit: @ramonathornes Instagram

Sa pinakabagong bakasyon naman ni Arci ay nagtungo siya sa surfing capital ng Pilipinas na Siargao sa probinsya ng Surigao del Norte.

At base sa kanyang mga Instagram post ay makikitang labis na ini-enjoy ni Arci ang ‘island life.’

Credit: @ramonathornes Instagram

Sa isang larawan na ipinost ni Arci ay makikita siyang nakikipagkulitan sa ilang alagang aso na nasa isla at itinuring pa niya ang mga ito bilang kanyang “island buddies.”

“Island buddies. sooo many great reasons to smile,” ani Arci sa caption ng kanyang post.

Credit: @ramonathornes Instagram

Sunod-sunod naman ang ibinahaging mga h0t beach photos ni Arci kung saan ay ibinida niya ang kanyang napakaseks!ng katawan.

Kitang-kita sa mga larawan ni Arci ang kanyang walang kupas na kaseksihan na litaw na litaw sa suot niyang black two-piece swimsuit.

Siyempre, hindi rin pwedeng hindi makapag-picture si Arci kasama ang makukulay na surfboards na makikita sa isla.

Credit: @ramonathornes Instagram

Samantala, game din na nakisalamuha si Arci sa ilang locals o residente ng isla. Isang tagahanga naman ang napasaya ni Arci matapos niya itong personal na bisitahin sa isla.

Labis na napasaya ni Arci ang PWD na si Kuya Abeng nang personal niya itong bisitahin. Ibinahagi ng netizen na si Espino Daposala Dexter sa kanyang Facebook account ang ilang larawan nang pagbisita ni Arci kay Kuya Abeng.

Credit: Espino Deposala Dexter Facebook

Sa mga larawang ibinahagi ni Espino ay makikita ang masayang reaksyon ni Kuya Abeng nang makadaupang-palad si Arci.

Tila pinaghandaan ng tagahanga ang oras na makikita niya si Arci dahil naghanda pa siya ng isang bugkos ng bulaklak para sa kanyang iniidolo.

Kuhang-kuha naman sa mga larawan na ibinahagi ng netizen ang napakatamis na ngiti ni Kuya Abeng nang sa wakas ay makita na nito si Arci sa personal.

Credit: Espino Deposala Dexter Facebook

Mabilis na nag-viral ang pagbisita ni Arci kay Kuya Abeng. Maraming netizens ang saludo sa kabaitang ipinakita ni Arci sa kanyang tagahanga.

Ayon pa sa maraming netizens, hindi lamang panlabas na kagandahan ang taglay ni Arci kundi magandang kalooban din. Komento nila:

Credit: Espino Deposala Dexter Facebook

“Beautiful na may busilak pang puso”

“A good, beautiful person with a good heart”

“Sana all napakabaet ni miss Rc God bless po sa inyo..”