Asawa ni Alfred Vargas, hinahangaan dahil sa taglay na ganda at fit na katawan kahit may tatlong anak na

Itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na aktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas ang actor-turned-politician na si Alfred Vargas.

Credit: @yasmine_vargas2307 Instagram

Matatandaang unang nadiskubre si Alfred taong 2001 nang siya ay mapabilang sa Batch 10 ng Star Circle artists.

Mas lalong umusbong ang karera ni Alfred nang ipamalas niya ang kanyang angking husay sa pag-arte sa Kapuso fantaserye na “Encantadia” noong 2005. Tumatak sa maraming manonood ang karakter ni Alfred sa nasabing fantaserye na “Aquil”‘ at magpahanggang ngayon isa ang nasabing fantaserye sa kanyang pinakamatagumpay na proyekto bilang isang artista.

Credit: @yasmine_vargas2307 Instagram

Naging daan naman ang propesyon ni Alfred upang matagpuan niya ang magiging kabiyak niya sa buhay na ang half-Filipino at half-Italian na si Yasmine Espiritu.

Lingid sa kaalaman ng lahat, tila hinango sa isang romantikong pelikula ang kwento ng pag-iibigan nina Alfred at Yasmine.

Credit: @yasmine_vargas2307 Instagram

Bago kasi makilala ni Alfred si Yasmine ay masugid na niya itong tagahanga. Inamin mismo ito ni Yasmine na lumaki sa Milan, Italy. Sa isang nakaraang panayam, ikwenento ni Yasmine na napanood na niya ang lahat ng pelikula ni Alfred.

Ngunit ayon kay Alfred, natuklasan lamang niyang tagahanga niya pala ang kanyang soon-to-be-wife nang madalas na siyang bumisita sa bahay nito upang umakyat ng ligaw at makita ang kanyang mga poster sa kwarto nito.

Credit: @yasmine_vargas2307 Instagram

Aminado naman si Alfred na na-love at first sight siya noong makita niya si Yasmine sa unang pagkakataon sa isa niyang show sa Laguna taong 2008.

“I fell in love with Yasmine at first sight. She stood out in the audience. I told myself at that moment, ‘This is the girl I want to spend the rest of my life with,” paglalahad ni Alfred sa isang panayam.

Fast forward naman taong 2010 kung kailan ginanap ang simpleng civil ceremony ng celebrity couple na sinundan ng isang engrandeng church wedding noong 2017.

Ang kanila ngang pagsasama ay nagbunga ng tatlong supling na sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra at Alfredo Cristiano. Parehong agaw-pansin ang mga anak nina Alfred at Yasmine sa social media dahil sa kanilang taglay na artistahing looks na hindi maikakailang namana nila sa kanilang magulang.

Credit: @yasmine_vargas2307 Instagram

Maraming netizens din ang nakapuna sa tila hindi kumukupas na kagandahan at kaseksihan ni Yasmine sa kabila ng pagkakaroon niya ng tatlong anak.

Sa kanyang Instagram, madalas ibahagi ni Yasmine ang kanyang mga litrato tulad na lamang ng kanyang ibinahaging swimsuit photo kung saan kapansin-pansin ang kanyang magandang katawan at batang-batang mukha.

Napa-w0w ang marami dahil sa seksing katawan ni Yasmine na kanyang napanatili kahit tatlong beses na siyang dumaan sa panganganak.

Ilang netizens din ang nakapansin sa pagkakahawig umano ni Yasmine sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Talaga namang parehong s3xy, young-looking at happy wife ang dalawa base sa kanilang mga socmed photo.