Inilarawan ni Erwan Heussaff ang kanyang fatherhood journey bilang maganda subalit nakakagulat at nakakalito.
Credit: PLDTHome YouTube
Sa video series ng PLDT Home na ‘#NoDadLikeYou’, inamin ni Erwan na nang una niyang makita ang kanyang anak na si Dahlia Amelie, laking gulat at nasorpresa siya.
Pag-amin pa ni Erwan, tumatak lamang sa kanya na isa na siyang ganap na ama nang napagtanto niyang kailangan siya ng kanyang anak.
Credit: PLDTHome YouTube
Aniya, “For a dad, we don’t get the good or the bad that comes with physical pregnancy. But when the baby came out, it was both a shock and a surprise,”
Dagdag niya, “Once you start realizing that your daughter actually does really need you physically and emotionally, that’s when you become a dad. Because in the beginning, we’re useless. The mom does absolutely everything. The mom is the hero.”
Credit: PLDTHome YouTube
Ibinahagi rin ni Erwan ang mga hamon na naranasan niya sa pagpapalaki kay Dahlia sa panahon ng p@ndemya.
Bilang isang ama, hindi mapigilan ni Erwan na malungkot habang iniisip ang mga bagay na hindi niya maibigay sa anak dahil sa p@ndemya.
Para kay Erwan, ninakaw sa kanya ng p@ndemya ang pagkakataong ipakita kay Dahlia ang mga simpleng karanasan sa buhay.
Credit: PLDTHome YouTube
Ani Erwan, “And you have new baby and all you want to do is show her the world. Show her what a tree looks like, what the sky looks like, and that is just completely r0bbed from you.”
Napaluha rin si Erwan nang ibahagi niyang mahirap para sa kanyang isipin na kahit simpleng bagay ay hindi niya kayang maibigay sa anak dahil lamang sa p@ndemya.
Credit: PLDTHome YouTube
Sabi ni Erwan, “Just the thought of me not being able to provide her with those simple things, even though it wasn’t anyone’s fault, was just really tough to think about it.”
Ikinuwento naman ni Erwan ang masayang pamamasyal nila sa isang zoo sa Australia kung saan nakita niya kung gaano kasaya si Dahlia na makakita ng mga paru-paro.
“I remember taking her to where all the butterflies were…I don’t care about butterflies, I don’t even know why I’m crying about butterflies,” kwento ni Erwan.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Ayon pa kay Erwan, ang masayang reaksyon ng kanyang anak habang pinagmamasdan ang mga bagay na tila napaka-karaniwan sa kanya dati ang siyang nagpabago ng kanyang pananaw sa mundo.
Aniya, “But seeing how she reacted to them, seeing how some things that I would usually ignore would make her so happy…was amazing. And that for me was really what fatherhood is, you get to experience the world in a whole new way.”
Credit: @annecurtissmith Instagram
Samantala, ang nasabing panayam ni Erwan ay umantig sa puso ng maraming netizens. At sa panahong isinusulat ang artikulong ito, ang nasabing video ay nakakuha na ng higit 700K views sa YouTube.