Asawa ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff, proud na namana ng kanilang anak na si Dahlia Amèlie mula kay Anne ang kanyang mga ngiti

Kada buwan ay ginagawang espesyal ni TV actress Anne Curtis at ng kanyang asawang si businessman-food vlogger Erwan Heussaff ang kanilang monthly photoshoot para markahan ang pagtungtong ng panibagong buwan ng kanilang first baby na si Baby Dahlia Amèlie.

Isa nga sa mga inaabangan ng mga fan at follower ni Anne sa sa social media ay ang pagpo-post niya ng monthly celebration photo ni Baby Dahlia Amèlie.

Nitong November 2 nga ay ipinagdiwang nina Anne at Erwan ang ika-8 buwang gulang ni Baby Dahlia Amèlie.

Credit: Anne Curtis Instagram

Sa kanyang Instagram page ay i-pinost ni Anne ang mga cute photo ni Baby Dahlia Amèlie katabi ang isang Do-It-Yourself Floral Letter 8.

Proud si Anne dahil siya mismo ang gumawa ng napakagandang Floral Letter na mayroong makukulay na Dahlias.

Sa mga hindi nakakaalam, isang uri ng bulaklak ang Dahlia na kilala dahil sa napakaganda at makukulay nitong mga petal.

 

View this post on Instagram

 

🌸😍 #Dahlia

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Si Anne rin ang nagsilbing stylist at photographer ni Baby Dahlia Amèlie para sa nasabing photoshoot. Suot ang kanyang terno hat and dress, nagmistulang isang tunay na manika si Baby Dahlia Amèlie. Mapapangiti ka naman sa napaka-cute na bungisngis ni Baby Dahlia Amèlie.

Hindi naman maitago ni Anne ang kanyang kasiyahan. Isang panibagong buwan na naman kasi ang lumipas at unti-unti na rin niyang nasasaksihan ang paglaki ng kanilang anak ni Erwan.

Credit: Anne Curtis Instagram

Ani Anne sa caption ng kanyang post, “Baaaaah 🤗 Yesterday, marked 8 months of being with my real life Doll-Dahlia.”

Kwento pa ni Anne na marami umanong mahahalagang pagbabago na naganap kay Baby Dahlia Amèlie.

Inamin pa ni Anne na nahirapan siya sa pagkuha ng letrato kay Baby Dahlia Amèlie dahil marunong na umano itong gumapang.

Credit: Anne Curtis Instagram

Paglalahad ni Anne, “So many milestones this month – one being crawling hence the STRUGGLE taking this picture and the need to put a toy to keep this super kulit & cheeky little coccinelle in place 🐞”

Dagdag pa ni Anne, “I wonder if I’ll still be able to take a piccie next month? 😅 Love her to bits and pieces.”

Proud namang sinabi ni Erwan sa kanyang post kung paano nagbibigay ng positivity ang kanilang anak sa kanila. Masaya din si Erwan dahil nakuha ng kanilang anak ang ngiti ng kanyang mommy na si Anne.

Credit: Erwan Heussaff Instagram

“Positive energy. I’m so happy she got her mom’s smiles.”

Samantala, pinusuan naman ng maraming netizens ang mga cute photo ni Baby Dahlia Amèlie. Komento ng netizens:

“baby girl 😍😍😍❤️❤️❤️”

“Sobrang cute mo talaga erwinata….Happy 8 months baby…”

Credit: Erwan Heussaff Instagram

“Such a cutiepie!!! Happy 8th month dahling Dahlia Amèlie”

“Happy 8 months sweetheart”

Isinilang ni Anne si Baby Dahlia Amèlie nitong March 2 sa Australia.