Assunta de Rossi, sabik na sa pagdating ng kanilang unang anak ni Jules Ledesma na halos 20 years nilang inantay

Hindi maitago ni actress at soon-to-be mom Assunta de Rossi ang kanyang excitement sa pagdating ng unang anak nila ng kanyang asawa na si dating Negros Occidental Congressman Jules Ledesma.

Credit: @assuntaledesma Instagram     

Ilang araw nalang kasi ay ipapanganak na ni Assunta ang kanyang unang anak na hinintay din nilang mag-asawa ng matagal na panahon.

Sa loob kasi ng 16 na taon nilang pagsasama ni Jules bilang mag-asawa ay ngayon lamang sila nabiyayaan ng supling.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Sa kanyang Instagram nitong October 14, ay isang panibagong sonogram ng kanyang baby na tinatawag niya ring “miracle baby” ang ipinost ni Assunta.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Nasa huling trimester na ng kanyang pagbubuntis si Assunta at ilang araw nalang ay masisilayan na niya ang kanyang baby girl.

Aniya sa caption ng kanyang IG post, “Another check-up today. Si Fiore as usual, nagtatago na naman. Naku, m@ldita!”

Credit: @assuntaledesma Instagram

Dagdag ni Assunta, “It’s OK. Pretty soon, I’ll see her face-to-face. I’ve waited for her almost 20 years, ano ba naman yung ilang araw pa?”

Credit: @assuntaledesma Instagram

Mensahe pa ni Assunta sa kanyang baby girl, “I love you, tiny bloom!”

Matatandaang May ngayong taon nang inanunsyo ni Assunta sa pamamagitan ng isang Instagram post ang kanyang pagbubuntis.

Credit: @assuntaledesma Instagram

Kwento ni Assunta, “On March 5,2020 I paid a visit to my OB-GYN after not seeing him for 3 plus years. Why? I had missed my period. An ultrasound scan and bl0od test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant.”

 

View this post on Instagram

 

Wide awake. This has been my life even before quarantine started— just being in bed all day, feeling horrible. And before anyone asks why I look like I’m on my way to the afterlife, allow me to list down all the symptoms I’ve had to endure this past 2 months: ✔️ Fatigue ✔️ Nausea ✔️ Tender, swollen breasts ✔️ Food aversions ✔️ Constipation ✔️ Dizziness ✔️ Heartburn On March 5, 2020, I paid a visit to my OB-GYN after not seeing him for 3 plus years. Why? I had missed my period. An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking! Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle!❤️🙏🏻❤️ Anyway, what scares me now is I’m already on my 14th week, and I haven’t gained an ounce of weight. Everything I eat goes to my tummy and ( . )( . ) 😆 What about you? How’s quarantine been treating you? Comment down below with your boobie emoji. Charzzz!!! 🤣 #MiracleBaby #14weekspregnant #Haggardo

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma) on

Ikinwenento rin ni Assunta na mahirap na siyang magbuntis sa normal na pamamaraan dahil mayroon siyang my0ma at end0metriosis kaya naman itinuturing niyang “miracle baby” ang kanyang anak. Sa mga hindi nakakaalam, ang my0ma at end0metri0sis ay mga common gyn3cological d!sorders ng mga kababaihan.

Credit: @assuntaledesma Instagram

“I know, shocking! Getting pregnant the natural way with my0ma and endometri0sis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle!”

Sina Assunta at Jules ay ikinasal noong 2004. Si Jules ay isang biyudo at 22 taong mas matanda kaysa kay Assunta. Simula nang maikasal ay nagsilbing step-mom si Assunta sa dalawang anak nito sa dating asawa.