Aubrey Miles, pinatunayang may pera sa paghahalaman matapos makabili ng bagong property mula sa pagbebenta ng halaman

Isa ang aktres at fitness trainer na si Aubrey Miles sa mga tinaguriang certified plant mom sa Pilipinas.

Credit: Aubrey Miles Instagram   

Matatandaang ang hilig ni Aubrey sa paghahalaman ay nagsimula 11 taon na ang nakakaraan. Lubos na naiimpluwensyahan si Aubrey ng kanyang ina na mahilig din sa paghahalaman.

Sa haba naman ng karanasan ni Aubrey sa paghahalaman ay ginawa na niyang negosyo ang dating libangan niya lamang. Pinatunayan nga ni Aubrey na mayroong pera sa paghahalaman.

Credit: Aubrey Miles Instagram

Sa isang Instagram post, ipinagmamalaki ni Aubrey na ibahagi sa lahat na nakabili siya ng malawak na land property na may magandang view sa Antipolo City mula sa pagbebenta niya ng mga halaman. Proud si Aubrey na sabihin na “katas ng halaman” ang nabili niyang property na patatayuan nila ng kanyang asawang si Troy Montero ng isang bahay.

Credit: Aubrey Miles Instagram

Ipinost ni Aubrey ang larawan nila ni Troy kasama ang kanilang mga anak na nakatayo sa kanilang bagong land property.

“Would you believe that parts of this investment ay ‘katas ng halaman’? Maraming makaka relate,” kwento ni Aubrey sa caption ng kanyang Instagram post.

Credit: Aubrey Miles Instagram

Sinabi rin ni Aubrey na kaya rin ng ibang tao na makamit ang kanyang mga nakamit hangga’t mayroon umano silang “passion, faith, and are willing to work hard”.

Ani Aubrey, “Mental state this year. We only live forward. As long as you’ve got passion, faith, and are willing to work hard, you can do anything you want in this life.”

Dagdag ni Aubrey, “Next year will be a better year for everyone. Let’s inspire each other and support one another. I believe anyone can do it. Go get it. Keep planting and stay healthy.”

Credit: Aubrey Miles Instagram

Noong September 2020, sa isang panayam ni Aubrey sa Summit Media, ibinunyag niya na ang pinakamahal niyang halaman ay nagkakahalaga ng 300K. Mayroon din umano siyang ilang halaman na nabili niya sa halagang 100K at 150K.

Ayon naman kay Aubrey, naibabalik sa kanya ang perang ginastos niya sa pagbili ng mga mamahaling halaman sa pamamagitan ng pagpo-propogate sa mga ito.

Ani Aubrey, “Propagation is when you cu+ them and then you grow. So I sell some of them to get my money [back].”