Ngayon na papalapit na ang kapaskuhan at bagong taon, marami na ang nakakatanggap ng regalo mula sa kanilang Ninong at Ninang. Talagang ramdam na sa puso ng bawat Pinoy ang sayang hatid ng pasko at isa na nga si Awra Briguela sa mga taong excited na ngayong ipagdiwang ang mahaba-habang holidays.
Credit: Karen Davila YouTube
Nagsimula sa make-face na bininyagang “awra” na naging viral sa YouTube, unti-unting umugong ang pangalan ni Awra Briguela na naging daan sa kanyang role sa sikat na teleseryeng “FPJ’s: Ang Probinsyano” kung saan ay ginampanan ni Awra ang karakter ni Makmak. Dito na nagsimula ang kanyang career sa showbiz at ngayon ay isa na sa mga kilala at sikat na young star sa kanyang generation.
Credit: Karen Davila YouTube
Talagang naging malaking tulong para kay Awra nang sumabak siya sa pag-arte at dahil na rin dito, nagawa niyang makatulong sa kanyang pamilya sa napakamurang edad. Dahil sa matindi niyang pagsusumikap, naging posible para kay Awra na makapag-ipon at mabigyan ng masaganang buhay ang pamilya.
Credit: Karen Davila YouTube
Kumakailan lamang nang ipinasilip ng young star kasama si Karen Davila ang bagong bahay na nabili niya matapos ang ilang taong pag-iipon. Kaya naman abot-langit ang nararamdaman niyang kasiyahan at hindi napigilang ipagkumpara ang bagong bili na bahay mula sa dati nilang tinitirhan.
Credit: Karen Davila YouTube
“Super happy po kasi ‘yung pinanggalingan namin, super iba talaga dito. Squatter area po talaga kami before and iyong ngayon, iba na kasi secured na kami sa subdivision, ‘yung bilang lang iyong nakakapasok. Sobrang ganda pa ‘nung house kaya iba talaga,” sabi ni Awra.
Credit: Karen Davila YouTube
Ayon kay Awra, dalawang linggo pa umano sila nakatira sa bagong bahay kaya naman, nag-aadjust pa talaga silang lahat katulad na lamang ng paghahanap ng mga bagay-bagay, taliwas noon na madali lamang nilang nahahanap at nakikita ang isa’t-isa sa dati nilang bahay.
Credit: Karen Davila YouTube
Pagbibiro ng youngstar, “Before ‘yung bahay namin, mabilis lang kami magkita-kita ng family. Parang pagkalabas po ng kwarto, andiyan na iyong hinahanap mo. Dito, kailangan mo pa sumigaw-sigaw ‘Mommy, iyong ano’ kasi naghanapan pa kami kasi paikot-ikot sa house.”
Credit: Karen Davila YouTube
Dahil lumaki mula sa kahirapan si Awra, hindi pa rin siya lubos na makapaniwala na ngayon ay nakatira na siya sa isang maganda at bonggang-bonggang bahay kasama ang kanyang pamilya. Labis din ang nararamdaman niyang excitement sa katunayang ipagdidiwang nila ang Christmas at New Year sa bago nilang bahay.
“Super happy po talaga ako na nakalipat na kami kasi this Christmas and New Year, sasalubungin namin ‘yung bagong taon nang maganda ‘yung house namin,” saad ng young star.
Credit: Karen Davila YouTube
Wala naman ng iba pang mahihiling si Awra dahil sa napakamura niyang edad, nagawa niyang iahon mula sa kahirapan ang kanyang pamilya na noon ay isa lamang pangarap na akala niya’y matatagalan pa bago niya makamit.