Awra Briguela, hinangaan dahil sa kanyang pagiging ulirang anak matapos mapagtapos ang ama sa kolehiyo

Maituturing si Awra Briguela o McNeal Briguela sa tunay na buhay bilang breadwinner ng kanyang pamilya.

Credit: @awrabriguela Instagram

Pagkatapos ngang mabigyan ng break sa showbiz at kumita ng sariling pera ay nagsilbing tagapagtaguyod si Awra ng kanyang pamilya sa kanyang murang edad.

Bukod sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya, tinustusan din ni Awra ang pag-aaral ng kanyang ama sa kolehiyo.

Credit: @awrabriguela Instagram

Inspirasyon ang hatid ngayon ni Awra sa marami matapos niyang mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang amang si Oneal Briguela.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Awra ang masayang litrato nilang magpamilya kuha mula sa pagtatapos ng kanyang ama.

Credit: @awrabriguela Instagram

Bilang isang anak, proud naman si Awra sa kanyang ama dahil nagpursige itong makatapos ng pag-aaral.

Ayon pa kay Awra, inspirasyon para sa kanilang magkakapatid ang kanilang ama dahil pinatunayan nito sa kanila kung gaano kahalaga ang edukasyon.

Pinatunayan din umano ng kanilang ama na hindi hadlang ang edad para maisakatuparan natin ang ating pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Credit: @awrabriguela Instagram

Sabi ni Awra, “Congrats Papa! So proud of you!! Sabi nga nila, it’s better than late, than never.”

Dagdag pa ni Awra, “Kaming lahat ng mga anak mo, sobrang saludo sayo! Kasi pinakita mo sakin kung gaano kahalaga ang pag-aaral! I love you Papa!!!! Congrats ulet!”

Marami naman ang humanga kay Awra dahil sa pagiging mabuti niyang anak sa kanyang mga magulang. Isa rito ang batikang TV host at isa ring ama na si Ogie Diaz.

Credit: @awrabriguela Instagram

Ibinahagi ni Ogie ang masayang litrato nina Awra sa pagtatapos ng ama nito sa kanyang Instagram account.

Pinuri ni Ogie si Awra dahil naisakatuparan nito ang pangarap ng kanyang ama na makatapos ng pag-aaral.

Ayon kay Ogie, hindi pangkaraniwan ang kwento ni Awra na napagtapos ang magulang sa kolehiyo dahil madalas umanong ang magulang ang nakapagpatapos ng anak ng pag-aaral.

Credit: @awrabriguela Instagram

Pahayag ni Ogie, “Karaniwan ng kwento ng ang mga magulang ay nakapagtapos ng anak sa kolehiyo. Sa larawang ito, gusto kong batiin si Awra (ng Ang Probinsyano), dahil sa nakapagtapos niya ang kayang ama sa kolehiyo. Congrats, Awra!!! At ipagpatuloy mo ang kabutihan mo bilang isang anak. Isa kang inspirasyon.”

Matatandaang sumikat si Awra bilang isang batang artista matapos siyang mapasama sa Kapamilya action series na “Ang Probinsyano” kung saan ginampanan niya ang papel na Makmak.

Sa ngayon si Awra ay isa sa mga kilalang vlogger sa social media na mayroong higit sa 800 mga subscriber sa YouTube.