Marami sa mga hinahangaan nating artista ang nadiskubre sa pamamagitan ng kanilang mga viral video sa social media.
Credit: @awrabriguela Instagram
Isa nga sa mga ito ang batang aktor, performer at vlogger na si Awra Briguela o McNeil Anilov Neri Briguela sa totoong buhay.
Kamakailan, ibinahagi ni Awra sa vlog ni Kid Yambao kung paano naging susi ang kanyang viral video upang pasukin niya ang pag-aartista.
Kwento ni Awra, hindi niya inaasahan na magiging instant celebrity siya sa edad na 12 dahil sa kanyang viral video.
Matatandaang umabot sa milyun-milyon ang nakuhang views ng nasabing video ni Awra kung saan ay mapapanood siyang umiiyak pagkatapos ay aawra. Sa katunayan, kaya umano naging ‘Awra’ ang kanyang screen name dahil sa na-imbento niyang facial expression.
Credit: @awrabriguela Instagram
“Nag-start siya nung nag-viral ‘yung video ko. ‘Yung video naman na nag-viral, ‘yun ‘yung araw na na-imbento ko yung Awra na mukha. Biglaan lang din yung kasi birthday ko nun sa Batangas with my family…Then nung naimbento ko yung Awra na mukha sa acting-acting nagviral siya na hindi ko naman alam na-inupload pala yun,” pagbabalik-tanaw ni Awra.
Pagkatapos nga raw mag-viral ng kanyang video, nakatanggap ng kaliwa’t kanang offer si Awra mula sa iba’t ibang istasyon.
Credit: @awrabriguela Instagram
Ayon pa kay Awra, una siyang nakatanggap ng tawag mula sa GMA kaya lang ay tinanggihan niya ito.
“Noong nag-viral, tinawagan ako ng ABS-CBN. Noong una, GMA ‘yung kumontak sa akin pero natatakot ako kasi baka scam pero noong kumontak sa akin (ay) ABS-CBN, naglakas loob ako kasi noong ini-stalk ko ‘yung kumontak, marami talaga siyang hawak,” kwento ni Awra.
Ibinunyag naman ni Awra na dalawang araw mula nang matawagan siya ng nasabing talent manager ay kaagad niyang na-meet ang actor-director na si Coco Martin. Kaagad din umano siyang sumabak sa taping ng “Ang Probinsyano” na isa naman sa lalong nagpasikat sa kanya.
Credit: @awrabriguela Instagram
“‘Yun na, pagkaano ko sa ABS-CBN na-meet ko agad si Kuya Coco tapos kinabukasan taping ko na ng Probinsyano,” saad ni Awra.
Pag-amin pa ni Awra, hindi pa siya dumaan sa isang acting workshop mula nang pumasok siya sa showbiz.
“Never pa akong nag-workshop kahit hanggang ngayon sa lahat ng nagawa kong movie tsaka teleserye,” aniya.
Nagpapasalamat naman si Awra dahil marami ang gumagabay sa kanya mula nang magsimula siya sa showbiz hanggang ngayon. Isa umano rito ang komedyanteng si Vice Ganda.
Credit: @awrabriguela Instagram
“Nasa magandang kamay ako that time. I mean hanggang ngayon naman. Naalalayan nila ako, na-guide nila ako nang maayos. Kumbaga sa acting, si Kuya Coco ang pinaka nag-guide sa akin pero sa pagiging performer, doon naman si Meme Vice,” bahagi ni Awra.
Bukod sa “Ang Probinsyano,” lumabas na rin sa iba pang TV shows si Awra tulad ng “Your Face Sounds Familiar” kung saan ay itinanghal siyang champion.