Baby boy #2 nina Kaye Abad at dating PBB housemate Paul Jake Castillo, ipinanganak na!

Magkahalong saya at pasasalamat ang nararamdaman ngayon ng celebrity couple na sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo matapos nilang winelcome kamakailan lamang ang kanilang ikalawang anak.

Credit: @kaye_abad Instagram

Nitong September 12 lamang, ibinalita ng mag-asawa sa kanilang YouTube channel na malusog at l!gtas na naisilang ni Kaye ang kanilang baby boy number 2.

Kasunod naman ng paglabas ng kanilang vlog ay ibinahagi ni Kaye ang ilang larawan ng kanilang cute baby boy sa kanyang Instagram account.

Samantala, sa kanilang vlog, ipinakita at ikwenento ng celebrity couple ang kanilang karanasan sa panganganak ni Kaye sa kanilang ikalawang anak.

Credit: @kaye_abad Instagram

Mapapanood nga sa vlog na ilang beses nilang pagpunta sa osp!tal para magpa-check up. Makikita rin sa vlog ang matagal na paghihintay ni Kaye bago niya naisilang ang kanilang anak.

Ayon naman kay Kaye, matapos ang pinagdaanan niyang mahabang labor, ipinanganak niya ganap na 5:12 ng hapon noong September 2 ang kanilang baby boy na pinangalanan nilang Iñigo Leon.

“Lumabas si Iñigo ng 5:12 [pm], 6:12 lbs. – ang laki, but normal,” masayang kwento ni Kaye.

Credit: @kaye_abad Instagram

Inamin naman ni Kaye na ang kanyang karanasan sa panganganak kay Baby Iñigo ay iba mula sa kanyang unang birth experience.

Pag-amin pa niya, “So totally different experience from Joaquin. Of course, [sa] Manila ko ipinanganak si Joaquin. This time, here in Cebu. It’s totally a different thing also. But I had the best team. Thank you, thank you.”

Credit: @kaye_abad Instagram

Sabi pa ni Kaye, na-‘drain’ siya “Emotionally and physically,” sa kakahintay kung kailan lalabas ang kanilang anak.

Sa kabila naman ng hirap at pagod na kaakibat ng kanyang panganganak, abot-langit ang pasasalamat ni Kaye dahil normal at l!gtas niyang naipanganak si Baby Iñigo.

Credit: @kaye_abad Instagram

“I thank God talaga, I prayed for a normal delivery ayokong ma-cesarean, so I really tried [to] puso talaga, push ng push,” lahad pa ni Kaye.

Matatandaang February ngayong taon nang masayang inanunsyo ng celebrity couple ang pagbubuntis ni Kaye sa kanilang ikalawang anak.

Lingid sa kaalaman ng marami, ikinasal ang dalawa taong 2016. At sa sumunod lamang na taon ay winelcome nila ang kanilang unang anak na si Joaquin.

Credit: @kaye_abad Instagram

Sa ngayon, kasalukuyang nakabase sina Kaye at Paul Jake sa Cebu City na hometown ng dating PBB housemate.