Baby boy nila Patrick Garcia at asawa nitong si Nikka, naipanganak na!

May baby boy na sa buhay ng mag-asawang si Nikka at Patrick Garcia!

Credit: @nikkamgarcia Instagram

Sa loob ng anim na taong pagsasama nina Nikka at Patrick ay nabiyayaan sila ng tatlong babaeng anak na sina Michelle, Patrice, at Pia. Makikitaan naman na talagang namana ng kanilang anak na babae ang good looks ng mga magulang.

Masaya naman ang kanilang pamilya dahil puno ng mga babae ang kanilang bahay pero hiniling pa rin ng mag-asawa na sana mabiyayaan sila ng baby boy at ngayon nga ay nagkatotoo na ang kanilang panalangin!

Credit: @nikkamgarcia Instagram

Hulyo 15 nang nagbahagi si Nikka ng isang larawan sa kanyang Instagram account kung saan ay makikitang nakayakap siya at si Patrick sa kanilang newborn son.

Ipinabatid ni Nikka sa Instagram na talagang masaya siya nang nabiyayaan ang kanilang pamilya ng baby boy matapos ang tatlong babaeng anak.

“Truly beyond grateful. I couldnt contain my tears the minute I heard you cry. I am overwhelmed with so much joy! I have never felt this much inlove and I couldnt ask for anything more,” sulat ni Nikka sa kanyang caption.

Credit: @onlypatrickgarcia Instagram

“You and your ate’s are our answered prayer! We Love you more than you will ever know💙,” dagdag pa ni Nikka.

Ibinunyag niya rin ang pangalan ng baby boy nila ni Patrick na si Enrique Pablo.

“World, meet our son, Enrique Pablo 🌙”

Maaalala rin na ang pangalang “Pablo” ang palagi niyang tawag sa baby boy noong ipinagbubuntis pa lamang niya ito ayon sa mga larawan at videos na ibinabahagi niya sa story highlights sa kanyang Instagram.

Credit: @nikkamgarcia Instagram

Inulan naman ng pagbati ang mag-asawang Nikka at Patrick Garcia galing sa kapwa celebrities at mga netizens.

“Wow! Congratulations!!” pagbati ni Neri Miranda.

“Congratulations, Pat and Nikka!!! 💕💕💕” komento ni Nikki Valdez.

Enero ngayong taon nang unang inanunsyo ni Nikka at Patrick sa kanilang family vlog sa YouTube na magkakaroon sila ng pang-apat na anak. Makaraan ang isang buwan ay nagkaroon ng gender reveal ang couple kung saan ay ibinunyag nila sa publiko na baby boy ito.

Kumakailan nang ibinahagi ni Nikka at Patrick sa kanilang vlog na “Almost Ready To Pop” na malapit na niyang isilang si baby Pablo. Nabanggit din ni Nikka na si baby Pablo umano ang pinaka-active sa lahat ng kanyang baby noong ipinagbubuntis pa niya ang mga ito.

“Lagi siyang gumagalaw. Talagang Ninja,” natatawang sabi ni Nikki.

Labis naman na nasiyahan ang mag-asawa nang dumating na si baby Pablo sa kanilang buhay dahil sa wakas ay may baby boy na sila sa pamilya.